Maling-mali ang mga ginawa ko, maling-mali na muling nabuhay ang matagal ko nang nilimot na nararamdaman. Maling-mali dahil bukod sa puso naming matagal na nagdusa ay may mga taong masasaktan dahil lang sa hindi natapos na relasyon.
Alas nuwebe na nang nakarating ako sa bahay, hindi ko na nadatnan nang gising si Chloe at naabutan kong katabi siya ng lolo't lola niya sa kwarto namin. Mukhang kakatapos lang nila manood ng cartoon dahil iyon din ang naabutan ko. Mukha ring kakatulog lang ni Chloe. Inamin ko sakanila na si Lucas ay ka-meeting ko, nagulat sila dahil sa interaksyon ni Lucas at ni Chloe sa paaralan maging ang pagbanta nito sa magiging karapatan niya.
"Alam kong mangyayari ito, hindi ko ipagkakaila pero natatakot ako para sa apo ko. Ang impluwensya ng mga Serrano ay nanatiling malakas, lalo pa't first lady ang anak nitong panganay." Hindi ko alam kung magandang marinig iyon, lalo lang ako kinabahan sa sinabi ni Papa.
Hindi ko rin maipagkakaila na malakas ang impluwensya nila, lalo pa sa mga inamin sa akin ni Lucas at kung tunay ang sinabi ni Lucas ay hindi ko na alam kung saan pa ako huhugot ng lakas kung gagamitan niya ako ng impluwensya niya.
"Chloe just turned seven, her custody will be determined by the law. We shouldn't risk the fact that he'll win her full custody." My dad added. Tumungo ako dahil kahit alam kong nasa akin at sa akin lang si Chloe ay may malaking posibilidad na mapapasakanya ang anak ko.
Hanggang saan ang kaya ng kapangyarihan niya?
"Your relationship with Lawrence can be used against you. Chloe is living in an environment that is not good for a child." Nag-angat ako ng tingin, hindi ko kailanman naisip iyon dahil hindi ko rin naman inaasahan na makikita pa siya.
Talaga bang.. magiging dahilan pa iyon?
"No one had signed her life birth, no one has her custody aside from me, Papa." Matapang kong sinabi kahit na ang totoo ay nilamon na ako ng takot.
Hindi na nasundan ang huling kong sinabi, nagpaalam akong magpapahinga na't tatabihan si Chloe. Ibinilin lamang ng mama't papa ko na gagawan nila ng paraan at sana nga paggising ko nagawan na nila ng paraan. Ayaw kong harapin ang bawat umaga na puno ng takot, ayaw kong pangunahan ng pangamba pero kusa ko itong naramdaman.
Umahon ang kaba sa puso ko nang hindi makita si Chloe sa higaan, kaagad akong lumabas sa kwarto at narinig ang boses niya sa sala. Nakikipaglaro siya sa lolo niya kaya unti-unti rin akong natauhan. Tuluyan na akong bumaba at dumalo sa hapag, naglapag kaagad ng kape si ate Analyn habang iniisip ko pa rin ang naramdamang takot kanina.
Ganito ko ba haharapin ang bawat umaga?
"Ma, ano po ba ang mainam na gawin? Hindi ko po alam," tanong ko nang matapos humigop ng kape. Blanko ang utak ko at gusto kong lumaban nang patas sa korte pero base na rin sa mga impluwensya ng pamilya niya ay umuurong ang paninindigan ko.
Natatakot akong lumaban nang patas, walang silbi iyon lalo pa't hawak niya ang buhay ko, isang pitik niya lang ay kaya niyang baguhin ang lahat.
" Justin had been studying law because he anticipated this, even before he was eager to defend you. I am afraid that he can't defend you yet. He isn't a licensed attorney yet." Dumaan ang pait sa kalamnan ko nang marinig iyon kay Mama. Alam kong ginagawa ni Justin ang lahat para sa akin, para sa amin. Kaya siya nag-aaral ng abogasya dahil nakita niya kung paano ako diniin ng kampo ni Lucas.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...