Kabanata 30

108 3 0
                                    

Nag-aral lang ulit ako ng pagmamaneho matapos ang ilang minuto naming pag-uusap. Magaan ang loob ko dahil kahit papaano ay napag-usapan namin ang mga bagay na patungkol sakanya. Ibinaba niya lang ako sa tapat ng bahay at hindi na pumasok pa. Pumasok ako sa loob ng gate pero hindi pa ako nakakalapit sa gazebo nang may bumusina nang napakalas. Kaagad akong bumaling sa pinanggaling ng tunog na iyon at hindi ko inaasahan ang tumambad sa akin.






"Oh, saan ka pupunta? Mukhang wrong timing ako," presko niyang wika. Bumaba siya sa kanyang big bike bago naglakad palapit sa gate.






"Ahh ano, ahm" hindi ko malaman kung anong sasabihin.





"Ano, kakauwi mo lang ba?" nagbago ang ekspresyon nito nang magtanong. Mabilis akong nag-isip ng palusot at nagkukumahog na sumagot.






"No, I was about to leave. I want to get my nails done," pinakita ko sakanya ang mga daliri ko. Unti-unti siyang tumango at tinulungan na akong buksan ang gate galing sa labas.








Wala akong nagawa kung hindi lumabas, kaagad niya akong hinila at niyakap. Humiwalay kaagad ako sakanya at iminuwestra ang bag ko.









"Ano, ite-text ko lang classmate ko." Mabilis kong nilabas ang cellphone ko para makapag-text kay Dayanara. 







Me:
Hi, can you please meet me. 





Dayanara:
Sure, bagot na bagot din ako sa bahay. 









Sinabi ko sakanya kung saan kami magkikita. Wala talaga akong planong gumala pero dahilan nagtataka itong si Jack ay kinailangan ko pang magsinungaling. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa, sa tuwing tinatanong niya kasi ako ay kusang dumadagundong ang puso ko, para bang hinahataw ng kung anong bagay at sobra-sobra ang kaba ko. 







"Sasamahan ko kayo,"
ani Jack, inilahad niya sa akin ang isa pang helmet na kulay puti. Lagi naman siyang walang dala pero ngayon ay parang itinaon niya.








Dalawang buwan na ang lumipas at ngayon lang kami nagkita muli, ang huling pag-uusap namin ay patungkol sa pagbawi ko sakanya. Tumango ako kay Jack, pinangako ko sa sarili na hindi matatapos ang araw na ito na hindi kami mag-uusap, na hindi kami magkalinawagan sa tunay na estado ng aming pagkakaibigan. Sumampa ako sa kanyang motor, lagi naman akong nakasampa at yakap sakanyang likod pero ngayon ay para bang natatakot akong gawin iyon. Hindi ako sanay, mali, hindi ko na kayang gawin ulit iyon. Pakiramdam ko mas lalo lang magkabuhol-buhol ang lahat kung hindi ko aayusin ang trato ko sakanya. Labag sa loob kong yakapin ang mga braso sa kanyang baywang, siya ang gumawa n'on bago niya pinaharurot ang kanyang maingay na motorsiklo. Sinenyasan pa siya ng guwardiya na huminto at magdahan-dahan pero nagpatuloy lamang siya, narinig ko ang pito ng guwardiya kahit na sobrang ingay ng makina ng kanyang motor. 








Hindi na ako naghintay ng kanyang tulong sa pagbaba ng kanyang motorsiklo, mabilis kong tinalon ang taas n'on bago hinubad ang suot na na puting helmet. Inayos ko ang nakapusod kong buhok bago ibinigay sakanya ang helmet. 







" The guards were calling you, why didn't you stop?" tanong ko nang bumaba na rin ito sa kanyang motorsiklo. 





Mas matangkad si Jack kaysa sa akin, hanggang tainga niya lang ako pero mas matangkad pa rin naman si Lucas dahil hanggang leeg lang ako n'on. Nakita ko ang mga mata ni Jack na tila nanlilisik, kumunot ang noo ko r'on pero makaraan ang ilang segundo ay nagbago rin. Tinuro niya ang dibdib ko, mabilis kong tiningnan iyon, kaagad ko namang tinakpan nang maalala ang ginawa namin ni Lucas bago ako umuwi. Hindi ko alam kung nakita niya pero kung ganito ang asal niya ay marahil oo. 






" I am asking you," tanong ko, iniiwasan siyang magtanong patungkol sa kiss marks ni Lucas. 







Dumampi ang palad niya sa braso ko, mahigpit niyang hinawakan iyon na pakiramdam ko magmamarka ang kanyang hawak sa akin sa sobrang higpit n'on.







" I hate it when people are trying to get on my ways, you know that. I know you know me better than anyone else does." Mariin nitong sinabi, padarag niyang binitawan ang braso ko at laking pasalamat ko nang tumunog ang sariling cellphone para sa isang tawag. 








I am not sure if I really know him, sa estado ko ngayon ay para na akong nangangapa sa tunay na pagkatao niya. 








"Hello, Dayanara," sagot ko sa tumawag. 







" I'm here, saan ka?" tugon nito, narinig ko ang ingay ng paligid. Bumuntong hininga ako bago sumagot na pupuntahan siya kung saan man siya ngayon.


Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon