Kabanata 32

92 3 0
                                    

Trigger warning. Please, this is not for minors!

-------------------------------------------------------







Jack stormed out of the room without saying anything. Walang panama sakanya ang pagmamakaawa ko, iniwan niya akong umiiyak kasama ang pinsan niya na tinuring kong kaibigan. Hindi ako makapaniwala na magkakilala sila, dahil natatandaan ko kung paano hinusgahan ni Dayanara si Jack, kung paano siya natatakot dito sa tuwing nagkikita kami.













Ang lahat ng iyon ay purong kasinungalingan! Nagpapanggap sila sa harapan ko at wala akong kamalay-malay r'on. Sa dalas naming magkita ni Jack n'on ay hindi ko man lang nakitaan ng kakaibang kilos si Dayanara, hindi ito kailanman lumalapit kay Jack. Bulag ako sa mga panahong iyon dahil masyado ko silang pinagkatiwalaan kaya ang resulta ay ang pananakit nila sa akin, hindi lang sa akin at maging kay Lucas na walang kaalam-alam sa pangyayaring ito. Si Lucas na inosente, si Lucas na marami nang pinagdaanan sa buhay at si Lucas na nagmahal ng katulad kong sisira ng buhay niya.







Nagtagal ako sa banyo, hinang-hina ang katawan ko, hindi ko man lang kayang sabunan ang sarili nang mabuti. Padarag na binuksan ni Dayanara ang pinto, kaagad akong tumalikod dahil nakatutok sa akin ang cellphone niya. Gusto ko siyang murahin dahil sa pinaggagawa niya.







"Huwag kang mag-aalala, hindi ito kakalat. Pain lang ito para kay Lucas, once na magsumbong siya ay alam niya na ang kalalabasan." Mariin nitong wika bago lumabas sa banyo. Kinuha ko ang tuwalya at nagbihis. Sinuot ko ang damit na binigay ni Dayanara. Maluwag iyon pero hindi na ako nagreklamo pa.









"Eat your food," utos nito. May hawak siyang baril habang nakaupo sa kama, tinuro niya gamit ang baril ang pagkain na nasa lamesa.







Ayaw ko n'on, ayaw ng sikmura kong kumain lalo na't nasa ganitong sitwasyon ako.







"Kakain ka o papaputukan kita?" nagkukumahog akong umupo at kumain. Halos lunukin ko na ang pagkain at maya-maya rin ang pagsuka ko dahil hindi ko talaga gusto. Umiiyak ako habang pilit na ubusin ang pagkain na hinanda. Kung may lason man ito, mamatay ako nang busog, mamatay ako nang may laman ang tiyan.








Lumipas ang ilang minuto, tumayo si Dayanara at sinenyasan akong pumunta ng kama. Hinihintay ko kung kailan ako hihimatayin o mawawalan ng buhay dahil sa pagkain pero hindi ko iyon naramdaman hanggang sa bumalik si Jack sa silid.







"Sunduin mo sa labas, kunin mo ang pera at dalhin dito. He will be accompanied by my members." He spoke thoroughly to Dayanara. Dayanara nodded, my instinct saying that I have to stop them, but I am afraid that I will cause Lucas safety.






Lumabas si Dayanara nang wala sinasabi, hinarap ako ni Jack at nilapitan. Kaagad nitong hinuli ang kamay kong nagpapahinga sa hita ko. Kalmado ako pero ang utak ko ay maraming iniisip, medyo gumaan din ang pakiramdam ko dahil sa pagkain at pagligo. Hindi ako kampante kahit medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na't narinig ko ang usapan ng dalawa.





" Sinong susunduin ni Dayanara, Jack?" kalmado kong tanong. Umupo ito sa tabi ko na para bang walang nangyaring kalupitan kahapon. 







Kanina habang naliligo ako ay marami akong napagtanto. Isa lang ang ibig sabihin ni Jack sa lahat ng ito. He is selfish, lahat hahamakin niya makuha lang ang ninanais. Hindi iyon makatarungan lalo na't may ibang nadadamay. Kung ako ang gusto niya, dapat ako lang ang pahirapan niya. Ayon kay Dayanara, kasalanan ko ang lahat ng ito kaya ako ang mag-iisip ng solusyon, kahit pa'y hindi pabor sa akin. 







Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon