Kabanata 17

85 3 0
                                    

"Guinevere Salazar, where do you think you're going?" napako ang mga paa ko sa kinatatayuan.










Hindi ko sinasadya ang ginawang halik noong nakaraang sabado. Kabado ako at halos hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari. Abot-abot ang tahip ng puso ko nang bigla niya rin akong hinila pabalik at hinalikan. Pagkatapos n'on, hindi na ako kumibo.
Hindi ko maintindihan ang sarili, kasalanan ko naman iyon, ako ang unang humalik at natukso ko lang siya.












Pumikit ako at humiling na sana ay may ka-grupo akong makita nang hindi na ako mahirapang umiwas mula kay Lucas.











"Iniiwasan mo ako," aniya pagmulat ko ng mata.











Oo, iniiwasan kita. Ayaw kong masaktan ka, ayaw kong masaktan ako. This is a win-win situation, ligtas tayo sa sakit na dulot ng pag-ibig. Tsaka, ano bang alam ko? Hindi ako pwedeng magmahal, masyadong maaga, masyadong nakakatakot.










Halos hindi ako makatulog nang buong linggo kakaisip noong halikan namin. Wala pa ngang kami ay para na akong baliw, hihintayin ko pa bang mabaliw nang tuluyan?









"Huh, hindi, busy lang ako. Maraming group works!" Palusot ko.









Kahit na ang totoo ay iniiwasan ko talaga siya. Nakita ko si Dayanara, kumaway ito sa akin kaya nanakbo na ako palapit sakanya at hinila siya para makatakbo palayo kay Lucas. Hingal na hingal ako nang makatago kami sa isang corner ng student center. 








"Ano ba iyon? Bakit kailangan nating tumakbo?" si Dayanara.








Sinilip ko ang quadrangle na kinatatayuan kanina, wala na si Lucas kaya napanatag ako.










"Ah wala lang, tsaka mainit, uuwi na rin ako. Hinihintay ko lang si Jack." Siya ang maghahatid sa akin ngayon, walang pasok ang kapatid kong si Justin.








"Okay, akala ko naman may problema. Mauuna na ako ah, nasa labas na sundo ko." Pinigilan ko siya, ayaw kong mapag-isa baka biglang sumulpot si Lucas at hindi ko na alam kung ano pang pwedeng dahilan sakanya.









"Ahh pwede bang, samahan mo muna ako saglit? Kahit sa labas na tayo maghintay kay Jack," sabi ko, nagdadalawang isip itong sumagot.








"Ah.. ano kasi, sa totoo lang natatakot ako kay Jack, atsaka, baka magalit si kuya kung matatagalan ako." Hindi ko na lang siya pinilit dahil sa rason niya.









Sumabay ako sakanya palabas, nakita niya kaagad ang kanyang kuya at agad naman itong lumapit. Kumayaw si Dayanara bago sila umalis. Wala na, sana lang hindi magpakita si Lucas. Ilang minuto rin akong naupo sa waiting shed, nilabas ko na ang cellphone ko para itext si Jack. Wala siya ngayon sa eskwelahan dahil sa field study nila, ang sabi ko naman ay hindi niya na dapat ako abalahin pa dahil alam kong busy siya.











Dumating si Jack, kaagad ko siyang niyakap na ikinatuwa niya. Ginawa ko iyon dahil nakita ko si Lucas na kakalabas lang ng gate, muntik pa siyang lumapit at sa tingin ko hindi niya na itutuloy dahil nakita niya ang ginawa ko. Sumampa ako sa likod ng motorsiklo ni Jack at kaagad niya rin itong pinaharurot kagaya ng dati.












Gano'n palagi tuwing uwian, simula lunes hanggang biyernes at sa tuwing hindi ako masusundo ni Justin. Jack is quite busy, even he's not yet done with his field study he still true to his words. Never siyang pumalya sa paghahatid sa akin. Prelim na at busy ang lahat para sa paparating na exam. Kakatapos lang din ng acquaintance night last week, at hindi naman kami nagtagal sa school dahil umalis kami ng maaga at nagpalipas ng gabi sa bar.











Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon