Kabanata 9

134 4 0
                                    

Hindi ko lubos maisip na darating ang isang araw na guguho ang mundo ko. Concluding things won't help me think better kaya mas minabuti kong itigil ang tinatrabaho sa kompyuter ko at nananghalian na muna. I just had my lunch in the office, kada katok sa aking opisina ay siya namang paggalaw ng katawan ni Scarlet.







Her duty usually starts at three o'clock, at ala una pa lamang ng hapon kaya minabuti kong huwag na lamang siyang gisingin. I started eating in a separate table, it's smaller than my office table at malapit lang sa bintana na kung saan kita ko ang gilid ng resto, sa may parking na may garden na talagang pinasadya ko.







Noong pinagbubuntis ko si Chloe ay kasagsagan ng kahiligan ko sa Spanish and French movies, I even studied two languages just because I am into it. That's why my child's second name is Cielle which is a French word for Heaven. Which also has a little similarity to a spanish word cielo which means sky.






She is the answer, given by the heavenly God to make our life easier and put colors. Just like how sky stays for the day and night, just like how heaven seems calm but too dark when's gone. My life is worthless without her, I was in pain before she came. I was so doubtful of my worth before she came.
And now.....






I am willing to trade just to have her. No matter what it takes.







Ang hirap lumunok habang iniisip ang problema. Hindi ko man lang naubos ang salad, ni hindi ko masyadong nagalaw ang pagkain. I was very preoccupied with my fears.








I started working again, I tried to engage in an agency for my daughter's nanny but I can't find reliable one. I've heard multiple stories that even you get someone from a respected agency it doesn't mean that you'll get a good one.









I am hopeless at sumuko na rin sa paghahanap, sana may institute na kagaya ng Germany na pupwede kang kumuha ng de kalidad na yaya. Pero napaka imposible naman na mangyari sa Pilipinas!







"Sorry po, Ma'am at salamat na rin po." Nakayuko muli si Scarlet nang batiin ako. Palabas na ako ng opisina at siya namang pagbangon niya.






Hinawakan ko siya sa balikat, kung hindi lang siya nag-aaral baka kinuha ko na siya para makasama ni Chloe! Pero, napaka-unprofessional naman niyon! Ibang trabaho ang inaplayan niya tapos ilalagay ko siya sa ibang work description?!








She's eighteen, iyan ang alam ko kahit mukha siyang mas matured sa edad niya. Matapos kong tapikin ang balikat niya ay nagpasya na rin akong umalis.









I drove back to Chloe's school, hindi naman gaano kalayuan sa resto at sa bahay. Kung galing ako sa resto ay mga sampung minuto at dalawampung minuto kung galing pa ako sa bahay. Itinigil ko na lamang iyon harap ng eskwelahan at nagpasyang maglakad patungong gate. Mahigpit ang sekyuridad ng paaralan dahil isa ito sa de kalidad na pribadong paaralan sa lungsod, bukod sa may mga kilalang anak ng opisyales at mayayaman na business ay talagang dapat maging mahigpit dahil mga bata ang karamihan dito.







Parents brought their children to school to learn while parents feel at ease in working hours. Iyon naman ang kahilingan ng lahat! Binati ako ng guwardiya, ngumiti ako at bumati pabalik. I walk through the hallway. Malapit lang sa gate ang building ng grade school kaya kaagad din akong nakarating. Napansin ko na halos lahat ng bata ay may kasamang yaya, naispatan ko naman si Rein at Chloe sa labas lang ng classroom.






Rein was kneeling down, may pinupulot na papel habang ang anak ko naman ay nakapamaywang pang nakatungo kay Rein. I immediately neared them and held my daughter.






Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon