Kabanata 3

224 6 0
                                    

Tinuon ko na lamang ang sarili sa pag-aasikaso ng mga kulang sa resto, nakalista na roon ang mga kakailanganin. Baka sa weekend aalis ako at isasama si Scarlet sa pamimili, siya ang bagong crew na nag-apply. Nag-aaral siya tuwing week days, at sa weekends naman saka lang siya nakakapag-duty ng walong oras kaya bumabawi siya.



"Opo, wala naman pong gagawin sa school." Sagot nito nang nagtanong ako kung maabala ba sya.






Mahirap naman kasi pagsabayin ang pag-aaral, ayun sa kanya sa public school lang siya nag-aaral. Libre at wala ng ibang iisipin pa kung hindi ang renta ng boarding house at ang kakainin niya araw-araw. Hindi na ako masyadong nagtanong pa dahil alam ko ang pakiramdam ng tinatanong sa mga bagay na ayaw na pag-usapan. Ang akin lang, kung hindi ko ba maabala ang pag-aaral niya kung magpi-prisinta siyang sasama sa pamimili.



"Sigurado ka bang ulila iyon? Ang ganda non ah, hindi pang waitress ang mukha." Puna ni Mae, tinutukoy si Scarlet.




Nasa gitna kami ng byahe, susunduin ang mga bata habang heto siya wala ng ibang ginawa kung hindi magbigay ng kumento sa mga napapansin.


"Kaya ka siguro hindi nagkaka-boyfriend dahil iyan ang inaatupag mo." Sabi ko, habang inaayos ang pagpark ng sasakyan sa labas ng eskwelahan.


Narinig ko ang padabog niyang pagkalas ng seatbelt.




"Dahilan pa pagiging tsimosa ko para ayawan ako? Ang sabihin mo takot lang mga lalaki sa responsibilidad, akala nila single mom ako kaya walang nagtatangka." Lumabas siya ng sasakyan, umiling na lamang ako sa iniwan niyang salita.


Hindi lahat ng lalaki ganoon.

"Ano tingin mo kay Lawrence? Bakla?." Sabi ko naman nang nakalapit na sakanya at naglalakad na papasok sa eskwelahan.




She just flipped her hair na para bang nasapul siya sa sinabi ko. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay ganoon, kung may ayaw ng extra meron namang okay.


"Eh anong tawag mo sa EX mo? lalaki kasi tinakasan niya responsibilidad niya?." Kahit saang anggulo talaga naisisingit niya sa usapan ang lintek na iyon.



" Alam mo bang walang kabuluhan itong pagtatalo ko sayo?." Bulyaw ko.



Humalakhak lang siya at halos tumakbo mahabol lamang ako.


"Ang pikon mo, mahal mo pa ata eh." Tumigil ako at nanlilisik ko siyang tinitigan.


"Sa lahat ng sinabi mo, iyan ang pinaka walang kwenta." Hahampasin ko na sana ng bag nang lumayo at itinaas pa ang dalawang kamay.



"Mommyyyyyy~" hindi ko sana titigilan si Mae kung wala lang maliit na mga bisig ang yumakap sa akin. Mabilis kong hinawakan ang likod ng anak ko, kumunot ang noo ko dahil wala na akong maramdamang bimpo.



" I used my towel to cleaned his shoes, he fell po mommy." Sabay turo niya kay Rein, sinuri ko kaagad dahil sa sinabi ng anak na nahulog.

Kita ko naman doon ang kaunting putik, saan naman kaya nahulog ang batang ito.

"Ayos ka lang? Totoo ba itong sinabi ni Chloe? Saan ka naman nahulog?." She showered Rein questions as she neared him. Sinuri niya na rin ito, pinaikot-ikot pa ang pamangkin.



"Ayos lang po tita, natumba lang po ako." Pinagpag siya ni Mae kahit ang sapatos lang naman ang madumihan.



Naramdaman kong hinihila ni Chloe ang dress ko kaya sinulyapan ko siya, nginuso niya ang gawi ni Mae at Rein na abala sa pag-aayos sa sariling pamangkin.



Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon