Kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang sinag ng ilaw na nararamdaman. Masyadong maliwanag at mapangahas. Dahan-dahan kong ginalaw ang mga daliri ko, mula sa hinlalaki hanggang sa hinliliit. Naramdaman ko ang mga yapak na papalapit at ang mga boses na hindi ko mawari. Tuluyan kong naigalaw ang mga kamay ko, may humawak r'on na mainit na bagay na nagpakislot sa kalamnan ko. Para akong bumalik mula sa mahabang tulog, para akong nakaligtas sa isang bangungot. Mabilis kong iminulat ang mga mata ko at mapangahas na sinalubong ng ilaw ang mga mata ko.
Ramdam ko ang pagtigil ng mundo ko, gusto kong gumalaw, gusto kong iangat ang mga kamay ko at gusto ko ring sumigaw pero may mga bagay na sagabal sa pagbuka ng labi ko. Nakatitig ako sa puting kisame, gusto kong tumingin sa gilid kung saan nanggagaling ang mga haplos, gusto kong makita kung sino ang naririto at humahaplos sa akin. Pumikit ako at muli ring nagmulat ng mga mata. Bumungad sa akin ang pagmumukha ng lalaking nagpatigil ng buhay ko. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya, hindi ako makapaniwala na naririto siya. Gusto kong magsalita, gusto ko siyang tawagin at hawakan man lang ang mukha niya. Gusto kong suriin ang bawat parte ng katawan niya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin, nginitian niya ako at nagdampi ng daliri sa natitirang espasyo sa mukha ko, pinalis niya ang luhang lumandas sa magkabilang pisngi ko. Napapikit ako dahil sa rahan ng hawak niya, para akong hinehele at para akong bumabalik sa dating buhay na meron ako. Para akong binabalik sa nakaraan kung saan masaya ang lahat.
Umahon ang kaba sa puso ko nang pagmulat ko ng mata ay nawala ang imahe niya, nawala ang mukha niyang nakangiti sa akin, nawala ang mga haplos sa pisngi ko. Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko, naririnig ko ang maingay na tunog, ang mga tangis sa paligid habang dilat ang mga mata ko. Sumigaw ako pero nilamon lang iyon ng maingay na aparato.
" Gwen! G-Gwen, come back, please." Sigaw na nagpakalma sa akin. Para bang tinawag ako ng isang anghel, natauhan ako dahil d'on at unti-unti ring kumalma. May naramdaman din akong kumirot sa palapusuhan ko, unti-unti akong hinila ng antok.
" She'll come with us, there's no need to let them know. The case was closed," I heard my dad's voice.
" She loved that man, he must know" my mom's voice.
" We'll let her decide, let's wait until she recovers," My dad's voice echoed throughout the room before they went silent.
"M-Ma, what's happening? W-Why am I still here?" Nanghihina kong tanong. I've been aware of my surrounding since yesterday. Hindi ko alam kung anong araw na pero alam ko na nagdaan na ang isang araw dahil na rin sa bati ng mga nars at doktors.
Wala nang nakabara sa lagusan ng tinig ko kaya naisatinig ko rin ang mga katanungan simula nang nagkamalay ako. Mulat ang mga mata ko subalit nanatili akong nakatutok sa kisame. Memorya ko na ang itsura n'on na ultimo sa pagtulog ay napapanaginip ko.
"Gwen, anak, how's your feeling?" ngumiwi ako sa naging tanong na iyon. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong na iyon o nagpapatawa.
I am obviously not okay—mentally, physically, emotionally, and even spiritually.
" The doctor says you can eat solid food now. Do you want something to eat? craving perhaps?" naramdaman ko ang paghaplos ni Mama sa kamay ko. Naramdaman kong dumalo si Papa at maging si Justin. Pinalibutan nila ang kamang hinigaan ko habang ako ay nanatiling inaaliw ang sarili sa kisame.
" Nothing, I-I want to sleep," I managed to answer before closing my eyes. Naramdaman ko ang haplos sa tiyan ko, naramdaman ko ang kakaiba hulma n'on ngunit ipinagkibit balikat ko na lang at tuluyang nagpahinga.
![](https://img.wattpad.com/cover/182464658-288-k59827.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomansaSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...