Kabanata 45

119 4 0
                                    

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko sa sobrang bilis at higit pa sa normal na bilis ang takbo ng sasakyan ko ngayon. Dumiretso ako sa museum at halos gumuho ang mundo ko nang wala akong madatnan ni isang school bus. Bumaba ako ng sasakyan at naghanap ng security guard at nagtanong. 



" Naku ma'am, kakaalis lang po!" sagot ng security guard. Tumango ako at hindi nagpahalata na kabado. Inalala ko ang outdoor pictures ng klase ni Chloe at hinanap ko kung saang banda iyon ng museum.  



" Saan po ba ang lugar na ito?" pinakita ko ang anggulo kung saan makikita ang anggulo ng pinasyalan nila. Nag-isip saglit ang guwardiya bago tinuro sa akin. 



" Nasa kabilang bloke po, magtanong na lang po kayo r'on sa guard house kung saan po ang butterfly garden." Gusto ko sanang sundin iyon pero hindi ko magagawa sa ngayon. Nagpasalamat ako sa guwardiya bago bumalik sa sasakyan at pinaharurot muli. 





Mas pinili kong maging maingat at pagbutihin ang pagmamaneho kaysa sagutin ang mga tawag. Magmula nang umalis ako sa restaurant ay hindi na natigil ang cellphone ko sa kaka-ring dahil sa pumapasok na mga tawag. Wala na rin akong nadatnan na mga school bus nang dumating ako sa school, hindi na ako nakapag-park nang maayos at hindi ko rin alam kung na sarado ko ba ang sasakyan basta nang dumating ako ay kaagad na akong bumaba. Halos takbuhin ko na ang guard house mula sa pinagparkan ko ng sasakyan. 




" Good afternoon, ma'am" bati ng guwardiya na hindi ko nasagot. Matulin ang lakad ko at ang mga mata ko ay nagmamasid sa paligid, takot na makita ang isa sa dahilan ng bangungot ko sa nakaraan. 




Marami akong nakitang bata pero ang anak ko ay hindi ko mahagilap kaya naglakad pa ako papunta sa classroom nila. Halos manginig ang tuhod ko nang makita ko si Chloe, si Rein at si Lucas sa labas ng classroom. Umiiyak si Chloe kay mabilis ko siyang sinuri gamit ang mga mata ko sa malayo.



" B-Baby!" sigaw ko mula sa kinatatayuan ko, napako ako roon at nabibigatan sa sariling mga paa kaya hindi ko maihakbang para tuluyang makalapit sakanila. 




Sabay nila akong binalingan nang tingin, nanganog ang binti ko sa anim na pares ng mga mata kaya nabuwal ako sa kinatatayuan ko.


" Mommy, mommy, mommy!" rinig kong sigaw ni Chloe pabalik. Lumapit ang mag-ama sa akin, mabilis akong hinawakan ni Lucas sa braso para alalayan pero tinabig ko lang iyon at dinaluhan ang umiiyak na anak. 



Lumuhod ako para matingnan at masuri ang katawan niya. Yumakap siya at mas lalo pang umiyak kaya hindi ko siya masuri dahil doon. Yumakap ako pabalik at kinulong ang maliit niyang katawan. 



" Ma'am, I'm sorry po, hindi po namin mahanap ang cellphone niya." Hindi ko tiningala ang guro ni Chloe dahil sa mga luha sa mata ko. 



" Naiwala niya po ang cellphone niya kaya siya iyak nang iyak. Isa pa po, bawal po magdala ng cellphone ang mga bata, ma'am." Dugtong ng guro niya. Kumirot ang puso ko sa saya dahil hindi si Dayanara ang dahilan kung bakit siya umiiyak.



" I'm sorry teacher, thank you for taking care of my daughter." Narinig kong sagot ni Lucas sa sinabi ng guro. Gusto kong magprotesta dahil sa sinabi niya pero hinayaan ko na lang, ramdam ko rin ang pagkabigla ng guro sa naging sagot ni Lucas dahil ang alam lang naman nito ay si Rein ang sinundo nito kung minsan at ang kilala niyang daddy ni Chloe ay si Lawrence. 



Binuhat ko si Chloe, kaagad niya niyakap sa akin ang mga binti niya at kahit hilam ang mga mata ko sa luha ay hinarap ko pa rin ang teacher niya. Huminga ako ng pansensya bago nagpaalam. Ramdam ko naman ang mabibigat na hakbang na sumumunod sa akin. 



Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon