Kabanata 36

98 3 0
                                    


Mahigpit ang hawak ko sa sariling cellphone na tumutunog, mahigpit din ang hawak ko sa maliit na palapulsuhan ni Chloe dahil sa hindi inaasahang pagkakataon.







Pinilig ko ang ulo ko at malalim na humugot ng hininga. Kinalma ko na ri  ang sarili dahil sa pagbabaliktanaw ng nakaraan. Para akong lalagnatin, sobrang naninikip ang dibdib ko nang maalala ang lahat ng iyon.





"Mommy, I think daddy's calling." She poked my waist and later pointed at my phone.



Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Kung ang lalaking doktor sa harapan, kung ang anak na nasa likuran o ang mga pagtangis ng pamilya ng yumaong si Mateo. Sa huli pinili kong hindi sagutin ang tawag ni Lawrence, humarap ako sa sariling anak na kanina pa ako tinatawag, hindi ko na muli pang binalingan ng tingin si Lucas dahil para akong mamatay sa takot sa magiging reaksyon niya.




Narinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan, narinig ko rin ang iilang boses ng mga nurses sa silid na dinaluhan sina Mae at inaalo habang ako ay dinaluhan ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.



"Yes, it was your dad who called but mommy can't answer yet." Paliwanag ko. Tumango ito, inayos ko ang suot niyang mask bago hinaplos sa ulo. Dinala ko siya muli sa sofa at pinaupo r'on.



Hindi ko na nakita si Lucas pagpihit ko at para naman akong binunutan ng tinik sa puso. Naging abala ako sa pag-asikaso at pagtulong kay Mae, inuwi ko ang mga bata pagsapit ng hapon at nanatili naman si Mae kasama ang mama ni Mateo. Laking pasasalamat ko dahil hindi na muli pang nagkrus ang landas namin ni Lucas. 






"Love, is everything okay?" nag-aalalang tanong ni Lawrence nang magkita kami matapos ang mahabang biyahe. 


Nagkita kami sa restaurant at bukod sa pagpanaw ni Mateo ay may iba pang bumabagabag sa akin, iyon ay ang pag-alis ni Scarlet.


" Naalala mo si Scarelt? umalis na siya sa trabaho at nag-aalala lang ako" amin ko. We went inside of my office.



Dito lagi nagpapahinga si Scarlet bago ang shift niya, wala na akong nadatnan at ilang araw na rin mula nang umalis siya.



" I understand, do you want to check on her?" He said it while making himself comfortable on the sofa. Hinila niya ako sa kamay ay binagsak sa kandungan niya.

Kaagad akong kinabahan, sa hindi malamang kadahilanan ay umaahon ang kaba sa puso ko.



"No, I'm just worried, and I don't think it's a good idea to ask her." Tumango-tango siya bago pinulupot ang magkabilang braso sa katawan ko.



Kinalma ko ang sarili at marahang pumikit, kaagad ko namang idinilat ang mga mata ko nang makita ko ang imahe ni Lucas kanina sa ospital. Ang laki ng pinagbago niya, mas lalo...





" I accidentally met Chloe's father at the hospital." Marahan kong sinabi, naramdaman ko naman ang pagluwag ng yakap niya.


Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nag ilang sandali bago ito nagsalita.



" Is he Mateo's family or a patient?" naninimbang na tanong nito. Huminga ako nang malalim bago sumagot. 

"He's Mateo's physician," sagot ko. Halos hindi na ako makahinga. 



Hindi ko na maalala kung kailan ang huli naming pag-uusapan patungkol kay Lucas, at ngayong ibinabahagi ko sakanya ay para akong dinadagan ng buong mundo. Sobrang hirap magkwento, hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko.




Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon