Hindi ko masisi kung bakit panandaliang nakalimutan ni Mae si Rein. Pero, hindi rin iyon maganda lalo na't wala namang kinalaman ang bata sa nangyari.
"Hindi ko siya makausap nang maayos, hindi naman ako kilala ng mama niya kaya hirap na hirap akong lumapit." Kwento niya. May lungkot sa mga mata niya.
Tumingala siya at hindi na napigilan ang luha.
" ni hindi ko alam kung anong sasabihin, paano ako magpapakilala. Ako ang ex o ako ang tita ng anak niya?!."
Malaking katanungan ngayon kung paano iyon nangyari?! Rein is already 9 years old, last month was his 9th birthday at ngayon, masyado pa ngang sariwa para kay Mae ang nangyari sakanila ni Matteo ay mayroon ng ganitong pangyayari! I cannot believe it! Matteo is Rein's father, Mae is Rein's aunt and Mae's sister is Rein's mother?!
Hindi pa rin ako makapaniwala!
"Are you really sure? Baka naman nagkamali lang ang intel. mo," kahit ang sarili ko ay nahirapang tanggapin ang katotohanan. Paano pa siya?!
This is crazy! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakali sa akin nangyari! Hindi ako sinagot ni Mae, naiintindihan ko iyon, alam ko ngayon na sariwa pa ang lahat ng nalaman niya.
Today is Thursday at wala pasok ang mga bata dahil holiday. Hindi naman maiwan ni Mae si Rein sa bahay nila dahil mag-isa lang ito kaya minabuti kong sa bahay na lang. Pinadala ko na lang ng homework niya para may pagkaabalahan sila. Binilin ko na rin kay Chloe na huwag na huwag aawayin si Rein.
Sana hindi topakin ang anak ko!
Ang sabi niya, matapos niyang malaman kung na saan si Matteo ay kaagad niyang hinanap. Sa isang hospital niya nakita at medyo may kalayuan kaya buong araw siyang hindi mahagilip. Kaya ngayon, upang makausap muli ang dating boyfriend ay kinakailangan naming tumulak. She never got the chance to have a serious conversation with Matteo, the man is weak at nakabed-rest na lang.
Mas tumibay lalo ang ang naiisip ko na kaya siya hindi nagkaka-boyfriend ay hindi dahil sa napagkakamalan siyang single mom, kung hindi dahil sa dating karelasyon, na si Matteo. Hindi ko man alam ang buong istorya pero pakiramdam ko, hindi nagtapos sa magandang hiwalayan ang relasyon nila.
Sinundan ko ang direksyon na sinasabi ng sav nav. Mahigit isang oras na rin kaming bumabiyahe at nanatili lamang tahimik si Mae. I asked for the security guard's assistance when we arrived at the location. Pahirapan pa ang paghahanap ko ng parking dahil sa dami ng sasakyan.
Tahimik pa rin si Mae, pumantay ako sa bilis niya nang bigla siyang naglakad nang mabilis. Dire-diretso ang lakad niya hanggang sa tumigil sa tapat ng elevator. Pumasok kami kaagad, may ilan pa kaming nakasabayan at dahil hindi ko alam kung anong floor ay kinalabit ko si Mae. Nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya mabilis niyang pinindot ang numero.
"Kaya mo iyan, lakasan mo ang loob mo. Sana malaman mo ang totoo at magkaroon kayo ng closure. Set yourself free after this, okay?." I said. Tumango naman siya.
Tumigil kami sa room 728, pinto lamang ang nakikita ko. Huminga siya nang malalim bago kumatok. Makalipas ng ilang segundo ay bumukas iyon. Sumungaw ang ulo ng isang matandang babae.
"Good morning po, bumalik po ako ulit." Pormal na bati ni Mae. Tuluyan nang nagpakita ang matandang babae.
Ngumiti ito sa amin ngunit mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata.
"Mabuti naman ija, sige pumasok kayo." Paanyaya nito sa amin.
Naunang pumasok si Mae, kaagad kong sinuri ang buong silid na binabalutan ng puti. May bintana ang silid pero nanatiling sarado. Napansin ko rin ang mabibigat na presensya sa silid na ito. Nagwawagi ang kalungkutan. Tanging dalawang tao lamang ang lulan ng silid, ang matandang babae at ang isang payat na lalaking nakahiga sa kama. Iba't ibang uri ng tubo ang konektado sa kanyang katawan patungo sa mga makinarya.
![](https://img.wattpad.com/cover/182464658-288-k59827.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...