Dumating si Lawrence bago pa man ang itinakda naming oras. Tumayo ako para salubungin siya, nginitian niya naman ako at bahagyang inayos ang suot na suit bago tuluyang lumapit sa ini-reserve kong table for two.
" Good afternoon, Mr. Ybanez." Pormal kong bati, naglahad ako ng kanang kamay na kaagad niya namang tinanggap.
" Good afternoon too, Miss Salazar." Nakangiti niyang bati at mahigpit na hinawakan ang kamay.Hindi niya binitawan ang kamay ko at mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak d'on, makaraan ang ilang segundo ay marahan niya akong hinila at niyakap. Naramdaman ko ang pagpulupot ng magkabilang braso niya sa katawan ko. Hinayaan ko iyon at niyakap ang kanyang likod.
Hinaplos ko ang likod niya nang paulit-ulit.
" How are you, Lawrence?" tanong ko matapos lumuwag ang yakap niya sa akin, kumalas din ako sa yakap.
" I'm fine, I just got busy with work." He answered with a smile on his lips. Iminuwestra ko ang upuan sa gilid niya, nauna na akong umupo bago pa man siya makakilos.
" I am glad to hear that, here's the menu. Let's order first," I handed him my restaurant menu.
Itinaas ko ang kamay ko at kaagad namang may lumapit na waitress, bumati ito sa amin bago kinuha ang inorder namin. Um-order lang ako ng waffle at smoothie, ang kay Lawrence naman ay espresso and double-choco muffin. Pinagsalikop ni Lawrence ang mga kamay niya na nakapatong sa lamesa, ang kamay ko naman ay nasa ilalim ng lamesa. Natutuliro ako at hindi ko malaman kung paano magsimula ng pag-uusapan. Tumikhim siya bago ako pinagtaasan ng kilay.
" Feeling awkward?" nakataas ang kilay niya nang sinabi niya iyon. Mabilis ko iniling ang ulo ko bilang dipensa na kaagad niyang ikinatuwa.
" Sorry..." sambit ko, ipinatong ko sa lamesa ang mga kamay ko at wala sa sariling naglalaro ang daliri ko sa lamesa.
" Sorry for what?" nakipagtitigan siya sa akin. Nagkibit balikat ako bago nagpakawala ng malalim na hininga.
" Sa lahat-lahat at nagi-guilty ako... Naging mabuti ka sa amin pero sinaktan lang kita at.. pinaasa." Hindi siya natinag sa sinabi ko at ngumingiti na siya ngayon.
Ilang linggo na ang lumipas simula noong gabing tinapos namin ang namamagitan sa aming dalawa, hindi ako naging kuntento sa paghingi ko ng paumanhin at pakiramdam ko kailangan kong sabihin ang lahat-lahat ng bumabagabag sa akin. Kailangan ko nang palayain ang sarili ko sa mga bagay na kinasasangkutan ko, hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nalilinaw sakanya ang nasa isipan ko.
" Minahal mo ba ako, Guinevere?" napasinghap ako sa tanong niya.
Minahal ko ba siya, minahal ko ba si Lawrence?
Mahigit limang taon ko siyang nakilala, mahigit apat na taon siyang nanligaw at naging kami sa loob ng isang taon. Panatag ang loob ko, mature ang relasyon namin ni Lawrence kaya sa loob ng isang taon ay hindi kami nag-aaway at wala kaming rason para mag-away.
" Oo.. Minahal kita.." sagot ko. Tumango-tango siya, ang nakasalikop niyang kamay ay gumalaw at inabot ang kamay kong tuliro sa ibabaw ng lamesa.
Ang pangunahing agenda ng meeting namin ay para pag-usapan ang mga detalye ng cafe at ang mapag-usapan ang bagay na ito ay hindi namin plinano. Magandang ideya ito para sa akin, dahil sa loob ng ilang linggo ay naging mailap siya sa akin at nasabi niyang ding awkward ang pakikitungo ko sakanya.
" Mahal mo ako, minahal mo ako.. hindi nga lang mahal na mahal dahil hindi mo ako kayang panindigan." Napakislot ako sa sinabi niya. Binitawan niya ang kamay ko dahil sa lumapit na waitress.
" Don't get me wrong, Gwen. Hindi ako umaasa dahil kung totoong mahal mo ako hindi gan'on kadali mawala ang nararamdaman mo." Napangiwi ako matapos niyang dinugtungan ang una niyang sinabi pagkatapos umalis ng waitress.
Hindi naman sa tagal, sa oras o sa panahon nakasalalay ang nararamdaman. Dahil wala namang kasiguraduhan ang lahat ng bagay, hindi kontrolado ng isipan ang nararamdaman ng puso pero pwede namang baguhin dahil isipan ang mas maasahan sa lahat ng bagay.
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko dahil habang kasama ko siya ibang tao ang naalala ko, tinalo ng mahigit na isang taong samahan ang isang pagkikita namin ni Lucas. Napagtanto ko rin na hindi nabura ang nararamdaman ko kay Lucas, mas nangibabaw ang galit ko sakanya noon pero nang nalaman ko ang dahilan ay nabura ang galit ko, mas nagalit lang ako sa sarili ko dahil hindi ako naging matapang para pagkatiwalaan siya at hindi ako naging tapat sa sarili kong nararamdaman.
" Love is indefinite. Love is mysterious, love is powerful, love is an eye-opener and love is not enough, Gwen." Hindi ko siya maintindihan dahil paiba-iba ang mood niya, pabago-bago ang naiisip niya.
" I am attracted to you, minahal din kita at sa tingin ko mababaw na pagmamahal lang iyon" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
" kagaya mo.. hindi rin kita ipinaglaban dahil hindi iyon sapat. Marriage is a long-term responsibility." Dugtong niya, hindi ko kinakaya an usapan namin kaya napainom ako sa smoothie. Ganoon din naman ang ginawa niya, maingay niya pang ninamnam ang espresso niya.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomansaSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...