Ilang beses ko ring ipinaintindi kay Chloe na hindi ako nasasaktan, na kaya kong humarap sa daddy niya nang walang nararamdaman kahit na kasalungat iyon sa tunay kong nararamdaman. Bilang respeto kay Lawrance ay tinext ko rin siya patungkol sa pakikipagkita ni Chloe kay Lucas. Hindi ako nakatanggap ng reply, marahil busy siya at mamaya pa makatugon sa text ko.Naglunch muna kami ni Chloe matapos kong magtext kay Lucas at Lawrence, pareho ko silang pinadalhan ng messages pero si Lucas lang ang tumugon. Halos hindi ginalaw ni Chloe ang pagkain niya, inatupag niya ang milkshake na binili ko at sinabing busog na siya kahit nakakailang subo pa lang siya ng pasta. Alam kong excited siya kaya hindi ko na kinontra ang nararamdaman niya.
"Mommy, I want to go to the toilet." Ngumuwi siya matapos sabihin iyon, kakalabas lang namin ng restaurant nang ayain niya ako kaya hindi na ako nag-atubili at hinanap ang comfort room ng mall.
Sinamahan ko siya sa loob ng cubicle dahil hindi niya naman abot ang toilet. Ngumunguso siya habang inaalalayan ko nang nagsalita siya.
" Mommy... I am just nervous... My tummy is not hurt anymore.." Amin niya sabay hawak sa tiyan. Alam ko iyon pero iniisip ko rin naman na talagang sumakit ang tiyan dahil sa shake na ininom.
" Are you not comfortable? we can reschedule your meeting" mahina kong sinabi, tiningala niya ako nang puno ng pagdadamdam. Bigo ang nababasa ko sa kanyang mga mata."I want to meet him but if you're uncomfortable, mommy, well, we can reschedule it." Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok bago ko siya mariin na tinitigan.
"No, baby.. Stop thinking about mommy. I told you already that I am not hurt. It's okay to me, and I also want you to meet your dad as your dad wants too." Ang hirap niyang pakiusapan dahil lagi niya akong iniisip, minsan nga iniisip kong mas matanda siya sa akin kung mag-isip.
"Kasi mommy.. I always saw you crying whenever I wanted to hear more about daddy whenever I asked for more photos. The last photos that I asked from you made you cry a lot. You always cry at night too." Malungkot niyang sinabi, alam kong umiiyak ako tuwing gabi, ilang taon pa ang lumipas bago ko natutunan ang lahat-lahat pero hindi ko inaasahan na nasasaksihan niya ang pagtangis ko gabi-gabi.
Marami akong naging rason. Si Cielle, ang kakambal ni Chloe, si Lucas, ang ama ng mga anak ko at ang sarili ko na rin. Kung paano ako makakausad sa mga bagay na ayaw kong bitawan.
" you w-what?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Tumango-tango siya. Hinila ko na siya palabas ng cubicle bago pa man siya makapagsalita. Hinarap ko siya at bahagya pa akong lumuhod para lumebel sa tangkad niya.
" it's hurt mommy... my heart is hurt when I see you cry. I only cry when I am hurt so I know that you are hurt too.." kumirot ang puso ko, gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko.
Nakatitig lamang ako sa mga mata ng anak ko at hindi ko na pinansin ang pagdampo ng tingin ng iilang pumasok.
" are you h-hurt again, mommy?" nabosesan ko ang pangamba sa tinig niya, mabilis na dumapo ang maliit niyang daliri sa pisngi ko at marahan na pinalis ang mga luha na lumandas d'on.
Hinila ko si Chloe at niyakap. Masakit at nasasaktan ako dahil nakikita niya ang lahat ng iyon. Aware siya sa mga nararamdaman ko kaya nag-iingat din siya lalong-lalo na kapag si Lucas na ang pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...