Kabanata 4

192 4 2
                                    

Pinanood ko ang aking anak na masayang nakihalubilo sa kanyang kaklase. Tirik ang araw ngayon matapos umulan noong nakaraan. Nasa gymnasium kami dahil sa dance practice ng aking anak, sa biyernes na nila ito ipiprisenta bilang pagsalubong ng nutrition month.





"May lead na ako kung saan siya."kunot-noo kong binalingan si Mae nang tingin.





Kita niya namang naguluhan ako kaya naglahad pa ito ng ilang impormasyon.




"Sa lalaking nakabuntis kay ate, he's somewhere in East." Binitawan niya ang kanyang cellphone matapos makakalap ng impormasyon.




"And? Where did you know that?." Tanong ko, hindi sigurado kung paniniwalaan ba iyon.



" I hire someone, don't worry he's reliable."dipensa niya, tumango naman ako at nakinig lalo.




"Kung okay lang sayo, magpapasama sana ako." Ayos lang naman iyon kung walang pinagkakaabalahan.




"Hindi pa naman agad, siguro matapos 'tong buwan. Pinapasiguro ko rin na eksaktong lugar ang ibibigay niya."paliwanag niya.





Pumayag ako sa alok niya, umalis siya sa tabi ko at nilapitan si Rein. Ako naman ay nanatiling nasa upuan dahil nagsimula nang mag-ensayo ang grupo ni Chloe sa entablado. Tinuro sakanila kung saan sila pupwesto at ang madaling sayaw para sakanila. Sinabayan nila ang musika, minsan napapatigil dahil sa kaunting pagkakamali.





Lawrence will not be here on that day, he'll be abroad. Hindi pa alam ni Chloe pero sigurado akong malukungkot siya, ilang araw niya na rin hindi nakakasama si Lawrence. Mahirap magpaliwanag sa anak ko, kasi nag-iingat ako sa maaari kong bitawan.




Kumaripas siya ng takbo palapit sa akin matapos ang kanilang sayaw. Tumayo naman kaagad ako at sinalubong siya.  She wears the best smile, malaki ang ngiti at tumatalon pa.





"Mommyyy.." sigaw niya. Yumakap kaagad siya sa binti ko nang nakalapit, mabilis ko namang hinaplos ang kanyang buhok.



" I miss you, mommy." Lumayo ako sakanya bago dahan-dahan na lumebel sa kanyang tangkad.



Ngumuso ako "magkasama naman tayo lagi, baby ah." Sabi ko, nginitian niya lamang ako bago binalot ng maliliit na yakap.







Pumikit ako, naninikip ang dibdib ko. Pinangunahan na muli ng takot, sobrang sakit ng puso ko habang iniisip na mawala siya sa akin, ang mangyari pa kaya. Hindi ko alam kung saan ako hahantong kapag nangyari iyon, mababaliw ako.







Alas dos nang inanunsyong tapos na ang pag-eensayo, at sinabi ring wala ng klase ang mga bata kaya pwede na naming isama sa pag-uwi. Nagpasalamat ako sa mga gurong nagturo sa hapong iyon.





"Rein, what do you want to have on your birthday?." Hawak ko nang mahigpit ang kaliwang kamay ng aking anak habang papalabas kami ng gymnasium. Si Mae naman ay nakahawak kay Rein.






Nilingon ko ang dalawa, hindi ko alam kung kailan ang kaarawan ni Rein at kung ngayon man iyon, nakakabahala naman. Karapatan ng bata na magkaroon ng selebrasyon, hindi naman problema ang pera sakanila dahil alam ko na nagsusuporta ang mama ni Rein.






"Wala po tita, I don't have any friends in our village. Walang pupunta sa birthday ko." Sagot ng bata, nagkatitigan kami ni Mae.






Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon