Nakatulog ako sa buong biyahe namin ni Lucas. Nagising lamang ako nang nasisinagan ng pang-umagang araw ang mukha ko.
"Good morning," kaagad ko siyang sinulyapan nang marinig iyon.
Saglit niya lamang ako tinitigan bago binalik sa harap ang tingin. Na-antala ang pagmamaneho niya dahil sa mahabang trapik. Sinilip ko ang oras at natantong tatlong oras na kami bumibiyahe. Hindi pa kami nakakalabas ng lungsod ayon na rin aa mga karatula na nakikita ko.
" gusto mo bang lumipat sa likod? Gisingin na lang kita pagkarating natin," suhestiyon niya.
Tinapunan ko ng tingin ang kumportableng mahabang upuan sa likod.
"No, I'm comfortable here." Agap ko. Umayos ako ng upo at sumandal na rin. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.
"You didn't sleep, I saw your newest post and it was around one in the morning." He started a new conversation when the traffic loosen. Nagsimula na rin siyang magmaneho.
" "I tried my best to sleep after you ended the call, but It was hard. I am not used to sleeping very early, though." I answered honestly. He just nodded and waited for more.
" How about you? What time do you usually sleep?" Tanong ko.
"Dipende sa araw, usually maaga akong natutulog. I don't want to feel that I am all alone." Sagot niya, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nasabi niya nga na mag-isa niya lang sa bahay. Parang may tumusok sa puso ko sa paraan ng pagtulog niya, maaga siya natutulog dahil ayaw niyang maging malungkot.
Gusto kong magtanong ng tungkol sa buhay niya pero wala akong lakas na loob para magtanong.
" matagal ka na bang naninirahang mag-isa?" ang sabi ko ay wala akong lakas na magtanong ng personal pero hindi ko pa rin napigilan.
"Yeah, more or less night years." Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya. He's nearly nineteen at ibig sabihin sampung taong gulang pa lang siya nang nanirahan mag-isa.
" Oh my, you're too young to live by yourself." Hindi ko mapigilan mamangha.
Sinulyapan niya ako saglit, nginitan niya ako bago itinuon muli ang atensyon sa pagmamaneho.
"I wasn't literally alone. I grew up with a nanny, but it wasn't long. She quit working due to old age." Tumango-tango ako. I don't want to imagine how he was when he's alone.
But good thing, he is good now, he grew up as a good man even when he's still living alone.
" Your eyes are sleepy, baby. Please take a nap." Huminto ang sasakyan dahil sa red light. Kaagad namang dumapo ang kanang kamay niya sa buhok ko. Hinaplos niya iyon habang sinasabi ang mga salitang ito. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang antok kaya hindi rin nagtagal ay nakatulog ulit ako.
Napabalikwas ako ng bangon nang napagtanto na kasama ko pala si Lucas at bumibiyahe kami. Unti-unti kong minulat ang mata ko at kaagad kong nakita ang batang kalabaw at isang batang lalaki sa palayan. Kumunot ang noo ko at sinuri ang paligid. Wala sa loob ng sasakyan si Lucas kaya kaagad ko rin siyang hinanap sa labas, sinilip ko ang oras sa kanyang sasakyan at nakita na pasado alas diez na ng umaga.
"Lola! Gising na po siya!!" nakarinig ako ng sigaw mula sa isang batang babae nang lumabas ako ng sasakyan.
Isang maaraw na umaga pero hindi gaano kainit ang sinag ng araw kaya malaya akong nakatinghala sa bundong sa harapan. Ang batang nag-aararo ay tumigil na rin, binitawan ang hawak na lubid saka lumakad palapit sa gawi ko. Bumaling naman ako sa pinanggalingan ng boses kanina at nakita ko ang isang matandang babae na may kasamang batang babae.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...