Akala ko nasa mabuti na ang lahat, akala ko kapag nakalayo na kami ay magiging okay na ang lahat pero hindi pala. Hindi, dahil pinipilit kong bumalik sa nakaraan, pinipilit kong huwag umusad at manatili na lang.
Sa ikalimang buwan ng pagbubuntis ko ay wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak habang binabalikan ang masasayang araw na kasama siya. Ang mga larawan naming parehong nakangiti, ang mga effort niya sa akin, ang pag-aalaga at pagpaparamdam niya ng pagmamahal. Lahat ng iyon ay masayang balikan pero sobrang sakit kapag natatauhan akong hindi ko na iyon muli pang mararanasan.
Ginawa ko ang lahat, sinubukan ko siyang tawagan, lahat ng social media account niya ay hindi ko pinalagpas. I tried messaging his cousin, Donnalyn pero wala akong nakuhang reply. Naalala ko si Samantha at maging siya ay pinakiusapan ko para lang makita at makausap si Lucas pero ni isa ay hindi ako pinaunlakan.
I did my own research, sinubukan kong malaman ang kaso, ang nag-viral na video ay nabura na, wala ng kopya ang media, nawala na ang lahat, nabura na parang bang isang hangin sa kalawakan. Nararamdaman ng may alam pero hindi nakikita. Tuluyan nang ibinaon sa limot ang lahat.
Walang naikaso si Papa sa mga Serrano, dahil bago pa man nila simulan ay tinigil na ng kabilang panig ang pagdidiin sa akin. Malakas ang mga Serrano kung tutuusin dahil na rin sa kapangyarihan ng stepfather ni Lucas. Lumabas ang katotohanan na biktima rin ako dahil hawak nila ang cellphone ko at nakapag-imbestiga na rin. Nakakalungkot isipan ang kinahantungan ni Jack pero iyon ang kabayaran sa mga kamalian niya, sa maling desisyon na siya mismo ang pumili. Hindi nakasuhan si Dayanara subalit natanggal siya sa eskwelahan, kagaya ng pinsan niyang si Jack ay pareho na silang expelled. Ang sampung milyon na nawawala ay hindi na muli pang nakita dahil kung tama ako ng hinala ay binayad iyon ni Jack sa mga kasamahan niya.
Natanto kong mahalagang pag-isipan ng mabuti ang desisyon, dahil ang simpleng desisyon ay maaaring makapahamak ng iba. Kagaya ng nangyari n'on, kung matagal ko nang nilinaw kay Jack ang lahat marahil hindi kami humantong sa ganito, marahil makakasama namin ng mga anak ko ang daddy nila.
Minsan naiisip ko kung ano ang layunin ng kamalian sa mundo, bakit kailangan magkamali, bakit may pagpipilian sa pagitan ng tama at mali.
"Ate, heto na." Pumasok sa silid ko si Justin na may dalang poster. Inutusan ko siyang ipa-develop ang iilang larawan namin ni Lucas.
Hindi sila tumutol, kahit ayaw nila ang ginagawa ko ay sinuportahan pa rin nila ako. Hindi ko maipagkakaila na wala akong paboritong kainin pero labis-labis ang nararamdaman ko sa tuwing nasisilayan ang mukha ni Lucas sa larawan, siya ang pinaglilihian ko st sobrang masaya ang loob ko dahil hindi ko man lang siya mahagkan. Hindi ako nakukuneto na hanggang larawan lang kaya isang araw ay hindi na ako natigil sa kakaiyak.
Bukod sa mga litrato niya ay nawili rin ako sa Spanish at French na palabas."Gwen, you have to understand. Pinapuntahan ko na sa bahay nila, wala talaga. Pinagtulakan lang ang tiyuhin mo." Laging rason nila Papa sa tuwing hinihiling kong makita si Lucas.
Hindi ako naniniwala r'on, hindi ako naniniwala na ayaw niya akong makita. Magkukumahog iyon lalo na kapag nalaman niyang buntis ako.
"Papa, mahigpit talaga r'on. You should make an appointment and talk to his mother instead!" tinabig ko ang tray ng pagkain dahil sa inis ko.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomansaSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...