Natikman ko ang masarap na ulam sa tulong ni Lucas. Nagpatuloy ang usapan nila patungkol sa babaeng nagngangalang Caroline. Siya ang mama ng magkapatid na si Carol at Dino.
"Gusto ko pong sumama!" sigaw ni Carol.
Tiningnan ko si Lucas, si Dino, at huli ang lola na nasa paanan ng pinto.
Aalis si Lucas at Dino, may bibilhing gamit sa tiangge at hindi pa man nakakaalis ang dalawa ay nag-iiyak na si Carol.
"Dito kana lang, walang kasama si ate Gwen. Hindi naman sila magtatagal." Napakamot ako sa ulo dahil sa naging sagot ng matanda. Kitang-kita ko ang kagustuhan ni Carol na sumama.
"Okay lang po ako, La. Magpapahangin lang ako sa likod" sagot ko. Umaliwas ang mukha ni Carol at nanakbo na sa sasakyan. Wala ng nagawa ang matanda kaya tumulak din sina Lucas matapos sumakay sa sasakyan.
Naiwan kaming dalawa ni Lola.
"Lola, may tanong po ako." Panimula ko, malayo na ang sasakyan ni Lucas nang imungkahi ko iyon.
Hinila ako ng matanda, dinala niya ako sa may bakuran, sa ilalim ng malaking puno ng niyog. Umupo siya sa upuang kahoy, ako naman ay umupo sa malaking bato na nakahilig sa puno ng niyog.
"Ang ganda ng lugar ninyo, mapayapa." Sabi ko matapos pagmasdan ang paligid. Maraming kabahayan at kahit na ganitong oras ay tahimik ang lugar. May nakikita akong ang tao na nag-aararo ng play.
"Ah oo, ito lang ang kayamanan na meron ako, na ipapamana ko sa mga apo ko." She sweetly smile.
Kinuwento ni Lola ang tungkol sa magulang ng magkapatid na si Carol at Dino. Parehong nangibang bansa ang mga magulang nila para mabigyan sila ng magandang buhay. Si Lola naman ay may dinaramdam na sakit, ikinuwento niya rin na halos kada taon dumadalaw si Lucas para sa kanyang birthday.
"Ang mama po pala ni Lucas? Ang alam ko po ay mag-isa siya sa bahay" sinulyapan ako ng matanda. Mukhang gulat siya na hindi ko alam. Ikatutuwa ko kung sakanya manggaling ang lahat dahil alam kong wala akong lakas na itanong ito kay Lucas.
"Nag-asawa ulit ang Mama niya. Isa siyang doktora at ang alam ko ay Mayor ang napangasawa niya." Kwento nito.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Kung nagpakasal ulit ang mama niya hindi ba dapat mas marami siyang kasama dahil may bago siyang pamilya.
"Hindi siya tanggap ng stepfather niya. Balewala na rin naman iyon kay Lucas" ngayon naiintindihan ko kung bakit mag-isa siya sa bahay. Palihim akong nagpapasalamat dahil kay Lola nararamdaman ni Lucas na may iba pa siyang pamilya bukod sa kamag-anak. Kahit hindi siya kadugo ay tanggap siya bilang pamilya.
Naging makulimlim ang kalangitan, ilang sandali lang ay pumatak ang malalakas na ulan. Tinulungan ko si Lola na makapasok sa bahay, tinuro niya naman sa akin ang mga sinampay kaya matapos ko siyang ihatid sa pintuan ay tinakbo ko ang sampayan.
Malakas ang pagpatak ng ulan, basang-basa ako nang makabalik sa bahay at maging ang mga sinampay ay basa rin."Naku, nabasa ka tuloy!" hiyaw ni Lola. Tinulungan niya ako sa mga damit na yakap-yakap ko. Kinuha niya ang lagat ng iyon, nilagay niya sa kung saan bago niya ako binalikan.
"Maligo ka, para hindi ka sipunin. Sige na, ihahanap kita ng masusuot mo!" ayaw ko mang pumasok ng basa sa bahay nila ay wala na akong nagawa. Tinulak ako ng matanda hanggang sa pintuan ng banyo.
Siya ang nagbukas ng pinto kaya hindi na ako nagdalawang isip at pumasok sa loob. Hindi sa ayaw kong maligo, ang inalala ko ay ang pamalit ko. Hindi ko naman inaasahan ang pag-ulan, biglaan na lamang umulan kahit na tirik na tirik ang araw. Hindi ako sanay maligo gamit ang timba at tabo, nagbuhos ako ng tubig mula sa ulo ko, ilang buhos ang ginawa ko bago ako nakarinig ng ibang boses. Mukhang dumating na sina Lucas.
![](https://img.wattpad.com/cover/182464658-288-k59827.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...