Kabanata 39

99 3 0
                                    

Ilang sandali ring naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Pareho kaming natahimik sa huling sinabi ko, kaya para maibsan lalo ang kaba ay nagtaas ako ng kamay at nag-order ng pampalakas ng loob.









Nagsalin sa bagong wine glass ang waiter, nilapag niya iyon sa lamesa matapos magsalin sa dalawang baso. Kaagad kong tinungga at nagsalin ng para sa akin.





"Bakit.... ngayon ka lang nagparamdam? Bakit ngayon ka lang nagpakita matapos ang ilang taon?" sinikap kong maging pormal. Tumitig ako sa hawak na wine glass.






"Guinevere, stop drinking. Are you alone here, or are you with your boyfriend?" binaba ko ang baso at itinaas ang suot na singsing. Tumitig siya sa daliri kong may singsing, alam kong naiisip niya ang gusto kong gawin niya.





Alam kong itatanong niya ito kaya talaga naghanap pa ako ng singsing at sinuot.





"Don't ask about me, let's talk about Chloe Cielle." Hasik ko, pinagsalikop ko ang mga palad ko at mariin siyang tiningnan.





" I have to keep my promise. I had promised my mom to pursue my studies, and I did it." Panimula niya, tumango-tango ako para ipakitang naintindihan ko iyon.






" I need to do it for one reason." He continued before drinking his own wine.





"Wala na akong ibang pangarap simula nang makilala at minahal kita. Ikaw ang naging pangarap ko, ang makita ka araw-araw." Iniwas ko ang tingin ko lalo na't mas pinalalim niya lang ang paninitig niya sa akin.





Gusto kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko kaya.. Ayaw kong huminto siya sa pagsasalita.




" You are my only dream. Ang pakasalanan ka at ang bumuo ng pamilya kasama ka." Nagpatuloy siya, ang maririin niyang bitaw sa mga salita ay nagbago. Naging malumanay ang boses niya habang binibigkas iyon.






" Kakabalik ko lang galing Germany n'ong nagkita tayo sa ospital, hindi pa nagtatlong araw, Gwen. I tried searching for you right after I landed here." Lumakas ng kaunti ang boses niya kaya may iilang nag-angat ng tingin sa amin.




" Wala akong makitang Guinevere Salazar, walang Gwen. I only found Justin, but I had a hard time looking for his name. He uses a different name when I find it on social media." Patuloy niya sa mas mababang boses, umawang naman ang labi ko at nagtapon ng tingin sakanha. 





" I only had limited time when I came back. I had pilled-up surgeries. That's why I found out about you later, and I was so stunned to see you in the hospital. I almost put my patient at risk since I was taken aback by seeing Chloe for the first time. I am so sure that she is my daughter." Sumisinghap siya na para bang ang hirap bitawan ng mga salita.


Heto naman ang gusto ko hindi ba, ang malaman ang dahilan kung bakit siya nawala at ngayong naririnig ko mula sakanya ay para akong nahihibang dahil sa maraming dahilan. 






"Gwen.. I longed to see you, and I know you will forget me. Alam kong makakalimutan mo ako, alam ko Gwen, pero masakit pa rin kahit tinanggap ko na noon pa man." Halos hindi ko na marinig iyon, para bang may nakabara sa lalamunan niya na nagpipigil sakanyang magsalita.





Gusto kong humawak sa puso ko, gusto kong tanggalin ito sa loob dahil nasasaktan ako sa sakit na hatid nito.






"Why did you leave me? Never kang nagparamdam! Halos hindi ako tumigil kaka-ring sa numero mo! Tinadtad na kita ng text at emails pero wala! Kaya bakit pa? Para saan pa ang lahat ng ito, Lucas?" tanong ko para hindi matapos ang usapan. Nahirapan siyang tumingin sa akin kaya umiwas na lamang.







Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon