Kabanata 50

279 5 0
                                    

Hindi matutumbasan ang kasiyahan na nararamdaman ni Chloe habang nag-iimpake kami ng mga gamit na dadalhin. Paniguradong magtatagal kami r'on nang isang araw o higit pa kaya minabuti kong tawagin siya para makapamili ng mga susuotin. Meron siyang malaking cinnamoroll travel bag, mga gamit niya lang nagkasya r'on at talagang siksik sa laman dahil na rin sa dalas nitong magpalit. 







Mabuti't wala ng pasok dahil pumatak na ang long holiday at isa pa, under investigation ang paaralan ni Chloe dahil sa trahedya. Hindi iyon pinalagpas ni Lucas dahil ang katuwiran niya ay sa school premise nangyari ang pagdukot ni Dayanara. Wala naman akong balita sa naging kaso ni Dayanara pero sigurado ako na hindi niya binaril si Dayanara, pinaputukan niya lang bago pa man dumating ang rescue team. Napag-alaman kong si Rein ang nagsabi kay Lucas kung na saan si Chloe. Nasabi rin ni Lucas na hinanap at kinausap niya si Dayanara noong school trip nila Chloe, humingi siya ng pangalawang pagkakataon at wala raw siyang ibang ginagawa kung hindi mag-aral. 






Lahat ng iyon ay kasinungalingan dahil kung wala siyang plano hindi na dapat siya nagmanman sa buhay ko, hindi na dapat siya pumunta at nanatili rito kung saan kami namuhay nang mapayapa. 






Isang pribadong paaralan na nag-o-offer ng basic education at higher education, isa rin siyang student grantees kaya gan'on na lamang ang tiwala ng guwardiya na palabasin siya, minanipula niya ang lahat ng tao sa mahabang panahon at hindi ko masikmura na dahil lang ayaw niya akong sumaya kaya niya ginagawa iyon. 







Hindi siya ang magdidikta ng buhay ko, hindi siya ang magmamanipula dahil wala siyang karapatan. Nagawa na nilang sirain ang buhay naming lahat kaya hanggang doon na lamang iyon. 







" Mommy, mommy, daddy's here!!" pababa pa lang ako ng hagdanan ay narinig ko na ang malakas na sigaw ni Chloe. Kakapasok lang ni Lucas at diretso kaagad ang mga mata niya sa akin. 




Bitbit ko ang bag na para sa akin at ang travel bag ni Chloe. Ang bag ni Chloe ay puro mga damit niya, ang sa akin ay pinagkasya ko na lahat ng gamit namin na importante, kagaya ng vitamins at iba pa. Sabay na naglakad paakyat ng hagdanan si ate Analyn at Lucas, hindi tuluyang nakalapit si ate Analyn dahil malalaki ang hakbang ni Lucas at kaagad niya nang kinuha ang bitbit kong bag. Bumaba siya nang walang sinasabi, naiwan naman kaming lutang ni ate Analyn sa bilis ng kilos ni Lucas. 






Parang takot na takot na hindi matuloy ang lakad namin... 






Lumapit si Chloe sa akin pagbaba ko ng hagdanan, humawak siya sa kamay ko. Ang suot niya ngayon ay isang komportableng terno na kulay purple. Naka-jeans lang din ako at tinernuhan ko ng itim na damit. 




" Mag-iingat kayo, anak." Si Mama nang nakitang handa na kaming umalis. Lumapit si Chloe kina mama para magpaalam. 




" See you soon, lolo, lola. I'm going to miss you!" yumakap siya sa mga binti ng lolo't lola niya. Kinarga naman siya ni Papa bago siya nilapit kay Mama. 




" Have fun there, apo. Make many memories with them" her grandpa said. 




Ibinaba siya ni Papa nang matapos nilang magpaalam. Lumapit naman ako kina mama para humalik at magpaalam na rin. 




" Take care, Gwen. Tumawag ka kapag nagkaproblema. " Si Papa matapos kong humalik sa kanyang pisngi. Ngumuwi ako dahil medyo malakas ang pagkakasabi niya at panigurado akong narinig iyon ni Lucas.







Kaswal nilang kinakausap si Lucas kagaya ng trato nila kay Lawrence. Hindi nagbago ang pakikitungo nila kahit na maraming naitulong si Lucas nitong nakaraang linggo.  Hinatid kami nila Mama palabas ng bahay, hawak nila si Chloe at mas nauna sa amin ni Lucas. I was trying to help Lucas with the bags but he won't allow me.  








Hindi ako magdadala ng sasakyan kaya nilagay lahat ni Lucas ang mga bagahe namin sa compartment. Pagkatapos niyang gawin iyon ay bumalik siya sa kanyang pwesto at binuksan ang pintuan ng back seat. Iminuwestra niya iyon sa amin ni Chloe. 






Muli kaming nagpaalam kina Mama at Papa bago pumasok sa sasakyan, sinarado ni Lucas ang pintuan nang makasakay na kami. Inayos ko naman si Chloe sa upuan niya, ikinabit ko ang seatbelt bago ko ikinabit ang akin. 





" We'll eat dinner before leaving, where do you want to eat?" he asked as he started his car's engine.





Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon