Kabanata 28

69 3 0
                                    

Maraming beses na akong umiyak lalo na kapag matapos ang usapan namin ng mga magulang ko. Buong buhay ko nilaan ko sa pagsunod ng mga gusto nila, kahit aminado akong masamang anak ay sinisikap ko pa rin naman gawin ang lahat. Kaya nga ako napadpad sa lugar na ito dahil ito ang desisyon at kagustuhan nila.




"Ma, I want to stay here po." Ilang beses kong inisip bago sinabi ang matagal ko nang gustong sabihin.

Alam kong taliwas iyon sa lagi kong maktol. Sa tuwing tumatawag sila ay lagi kong hinihiling na pabalikin ako, na ibalik ang dati kong buhay pero ngayon, gusto ko na lang tumigil pansamantala ang buhay ko.



"You will stay until December, anak." My mom answered like nothing's special with whay I just said. Umapaw ang galit sa puso ko, kahit hindi niya ako nakikita, at kahit wala siya rito dapat alam niya kung kailan nagbago ang pananaw ko. Kung kailan ko gustong manatili at kung kailan ko gustong umuwi.




Bakit parang wala siyang pakealam sa akin? Anak niya ba talaga ako? Bakit hindi niya ako kabisado?



" I want to finish studying here, until college po sana." Sagot ko. Hindi niya iyon kaagad nasagot o baka nga hindi niya rin narinig dahil sa ingay ng paligid.


My dad will file his candidacy this october. We will stay here kagaya ng napag-usapan na buwan at haba ng pananatili namin.


"Ma? Nakikinig po ba kayo?" tanong kong muli nang tumahimik ang paligid.

"What is it, anak? Sorry may dumating kasi." Umahon ang galit ko sa naging sagot ni Mama. Hindi kami laging nagkakausap dahil ayaw ko silang kausap, kahit dati pa ay talagang umiiwas ako sa tawag nila dahil mas sasakit lang ang puso ko sa bawat tanggi nila.





Mas dumoble ang sakit ngayon. Para akong binagsakan ng langit sa sobrang sakit ng puso ko, hindi ko nakuha ang sagot na gusto ko galing kay Mama at sa sobrang inis ko sakanya ay binabaan ko na siya ng tawag. Bagot na bagot na ako sa bahay. Wala kaming pasok ng isang linggo dahil sa bagyo at ibig sabihin lang n'on ay isang linggo rin kaming hindi magkikita ni Lucas. Masakit iyon para sa akin, kahit na magkasama naman kami palagi.





Marami kaming ginawa sa nakaraang buwan, tuwing sabado ay sinusundo niya ako para turuan magmaneho. Alam ni Justin ang relasyon namin, kahit binantaan na ako ng sariling kapatid dahil sa pakikipagrelasyon ko sa taong mas matanda sa akin ay hindi pa rin ako nagpapigil.




" Huwag mong pakealaman ang buhay ko, Justin. I am deprived of my freedom and liberty. This is what they've got for sending me here." Banta ko isang araw nang maabutan ko siyang nakikipag-usap kay Lucas.




Ayaw kong manggaling sakanya ang hindi ko pa nasasabi kay Lucas kaya natatakot ako sa tuwing nag-uusap sila nang wala ako.



"Aren't you happy for me? I am genuinely happy with him, can't you see?" nanlaban siya ng titigan sa akin. Pababa na ako ng hagdana at sumambay siya para lang kumprontahin ako.



"Ate, you're still young. Does he know it?" he said it with frustration. I threw him a death glare. Nasa labas lang si Lucas at kung ipagpatuloy namin ang usaping ito hindi malayong maririnig ni Lucas ang pinagtalunan namin.



Hindi maaari.





"Enough already, don't tell me you haven't fallen in love!" sigaw ko, hinarap ko siya nang nasa baba ma ako ng hagdanan. Nasa panghuling baitang na siya.






"You are disgusting. Do whatever pleases you." Dinampot ko ang cushion at tinapon sakanya. Sapol sa ulo ng kapatid kong walang modo. Hindi ko na siya binalingan pa at lumabas na ng kwarto.







Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon