wakas

447 7 0
                                    

Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang bahay niya. Ang bahay na minama niya mula sa kanyang magulang at ang bahay na saksi sa buhay na meron siya noong mga panahong buhay pa ang daddy niya. 






Malaki ang bahay na minana niya, mas malaki sa bahay ng mga lolo't lola ko at may malaki rin itong gate. Kumpara sa bahay ni lola ay mas moderno ito, marahil ilang taon pa lang ang tanda nito kumpara sa bahay nila lola. Hindi ko masyadong na-eksamina ang bahay dahil madilim nang pumasok kami, ang bahay ay isang two-storey ayun sa nakita ko mula sa labas na naiilawan lang ng mga poste. 







Dumiretso kami sa itaas, nagbukas siya ng isang kwarto at kaagad naman itong umilaw. Nasilaw ako kaya napapikit ako nang bahagya, kaagad din akong dumilat nang nakarinig ako ng yapak. Nadatnan kong nakahiga na sa kama si Chloe, hinanap ko siya sa loob ng banyo at nakita ko siyang inaayos ang bintana at sa gilid nito ay may aircon na nakatayo. 




Ang kulay ng kwarto ay peach, masarap sa paningin at mukhang pambabae, hindi ko nakitaan ng mga paintings bukod sa mga bulaklak sa lamesa at ng cartoon character na drawing. Gusto ko sanang itanong kung kaninong kwarto ito pero bago ko pa matanong iyon ay kusa niya nang sinabi. 



" This was my sister's room when she studied in senior high school. She went to the same school where we met." Paliwanag niya. Tumango ako dahil nasagot niya nang hindi ko tinatanong ang gumugulo sa isipan ko.



" The other rooms are under renovation." dugtong niya.

Does it include his room? I mean.. Nevermind. 

" I respect your personal space and privacy.. hindi kita dinala sa kwarto ko kahit gustong-gusto ko.."Tinikom ko ang bibig ko dahil sa gulat sa sinabi niya, halos mapanganga na ako. 



Naglakad ako palapit sa kama, ipinatong ko ang bag ko sa bedside table bago umupo sa malambot at malaking kama. Sa laki nito ay pupuwede kaming tatlo.. pero sakanya na galing na nirerespeto niya ang personal space ko kaya bakit ko siya aalukin n'on. Nahihibang na ba ako?!



" kukunin ko ang mga gamit ninyo... I know you have your night routine.." tumango ako at hindi na nag-angat pa ng tingin. Kahit matagal na iyon ay naaalala niya pa rin na hindi ako matutulog hanggat hindi ko nagagawa ang night routine ko. 




He still remembers even the smallest things in my life.




Hindi na ako nagulat nang bumukas ang pintuan, lumapit kaagad ako para tulungan siya pero idiniretso niya lamang iyon sa isang malaking wardrobe. Inilapag niya sa harap ang mga bagahe namin ni Chloe. 


" Walang laman iyan kaya pwede mong ilagay rito ang mga gamit ninyo," paliwanag niya, binuksan niya ang kabinet at nakita kong wala ngang ni isang laman iyon. 






Nakatayo lang kaming dalawa, nangangapa at parehong naghihintay. Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na rin siyang lumabas ng kwarto. Ginawa ko rin kaagad ang night routine ko, nag-shower na rin ako para mabilis makatulog dahil sa preskong pakiramdam. 



Pagkatapos kong magbihis ay hindi pa rin bumabalik si Lucas kaya nagpasya na akong lumabas ng kwarto at madilim ang hallway paglabas ko ng kwarto. Tinalunton ko ang dinaanan namin kanina, hindi ko alam kung alin dito ang kwarto niya at hindi ko rin naman gustong kumatok sa mga kwarto para malaman kung alin ang kwarto niya. He's giving me my privacy so do I. 



I used my phone's flashlight to light my way downstairs. I headed straight to a narrow hallway and found the house dining. 




Laking gulat ko nang makita siya sa gilid ng malaking refrigerator, kaagad kong inayos ang sarili at nag-isip ng sasabihin dahil nang nagtagpo ang tingin namin ay parang nabura lahat ng dahilan kung bakit ako pumanhik rito. 



Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon