Naglaan ng kaunting panahon si Lucas kay Chloe habang ako ay kaharap ang isang office laptop sa sala. Nakikinig ako sa kinukwento ni Chloe, ikuwento niya ang mga ginawa niya sa school trip.
Binasa ko ang sagot ni Lawrence sa ini-mail. Tinanggap niya ang imbitasyon ko at sinang-ayunan niya rin ang meeting place namin. Matapos kong mag-reply sa email ay umilaw ang cellphone ko sa gilid, nakita ko ang isang kakapasok lang na chat sa account ni Chloe. Binaba ko sa sofa ang laptop at inabot ang cellphone ko, binasa ko naman ang bagong chat ni Lawrence.
Lawrence Ybanez:
Good evening, darling. How's your day today?
Sinulyapan ko si Lucas at Chloe na gumagawa ng homework, nakatayo na ngayon si Lucas at nakatingin sa akin. Binitawan naman ni Chloe ang hawak na lapis bago tumayo.
" Daddy's going home, mommy." Anunsyo niya, tumingala siya sa daddy niya at hinila ang laylayan ng damit nito. Tumungo naman si Lucas at bahagyang nilapit ang mukha sa anak, nagpaalam si Chloe bago humalik sa pisngi nito.
Tumayo ako at lumapit kay Chloe.
" Daddy Lawrence chatted, do you want to call him?" malumanay kong tanong.
Tumango naman siya kaya pinindot ko ang video call bago binigay sakanya ang cellphone. Mabilis naman sinagot ni Lawrence at kaagad silang nakapag-usap.
" Maraming salamat, Gwen. Aalis na ako," malumanay niyang sinabi, ang mga mata niya ay nakamasid kay Chloe na kausap si Lawrence sa cellphone.
" hatid na kita," mahina kong sagot, tumango siya pero nanatili namang nakatayo at nakatingin kay Chloe.
Lumapit ako sakanya at humawak sa braso niya, hindi pa rin siya natinag kaya hinila ko na siya palabas. May ngiti sa labi niyang pinagmamasdan si Chloe pero ang mga mata niya ay puno ng sakit. Masaya si Chloe na kasama siya pero masaya rin si Chloe kasama at kausap si Lawrence. Mahirap nang baguhin iyon.
" I feel jealous... He has been good to my daughter........kaya mas masakit." Bulalas niya nang makalabas kami ng gate. Umawang ang labi ko dahil sa narinig. Lantaran niyang sinabi ang hinanakit niya at kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman ko namang masakit iyon para sa kanya.
Lalo pa't hindi niya ginusto ang nakaraan, hindi niya ginusto ang pag-iwan sa akin, sa amin...
" I am sorry... Hindi ko inaakalang babalik ka ... sa ilang taong kong nagbabaka sakali.. at hindi ko rin inaasahan ang tunay na dahilan ng pagkawala mo.." mahina kong sabi
magulo ang isipan ko, sa dami ng gusto kong sabihin ay hindi ko na alam kung saan magsisimula.
" ang hirap n'on.. mahirap kasi hindi ko alam kung paano magsisimula, nasira ko ang buhay ng pamilya ko.." dugtong ko. Ngumiti ako, isang ngiti na pilit para maibsan ang damdadamin ko.
" Jack and Dayanara are evil.. pero kung hindi naman dahil sa akin, hindi naman mangyayari ang lahat ng iyon." Wala akong ibang masisi kung hindi ang sarili ko. Lahat ng mga nangyari ay kasalanan ko, sa pagiging makasarili ko at pag-iitindi ng kapritso ko.
" I lied to get what I want. Nagsinungaling ako para magrebelde, para suklian ang paghihirap ng mga magulang ko sa akin.." Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin nang bigsakin ko iyon. Hinayaan ko siya at inalala pa lalo ang mga nangyari noon.
"Napaka-selfish kong tao. Gusto ko ng atensyon at pagmamahal mula sa magulang ko pero hindi ko pinahalagahan ang lahat ng ginagawa nila." Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at naramdaman ko rin ang pagdampi ng mainit niyang palad sa braso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/182464658-288-k59827.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...