Kabanata 31

88 3 0
                                    

Trigger warning. Please, this is not for minors!

-------------------------------------------------------








Hilam na hilam ang mga mata ko sa sariling luha. Humihikbi ako habang nakaharap sa lalaking mahal na mahal ko habang nakayakap sa akin si Jack. Ang kanang braso niya ay nakayakap sa akin, hawak ko iyon upang magpumiglas pero hindi ko na rin magawa dahil na rin sa bagay na tinutok niya sa akin.



Ramdam ko ang diin ng kung ano mang hawak ni Jack sa likod ko, nakatutok iyon sa likod ko na animo'y isa akong hostage.

"Jack, please.... not like this" pagmamakaawa ko. Naestatwa sa kinatatayuan si Lucas, isang metro ang layo sa amin ni Jack.

Hindi ko alam kung bakit nandito siya, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil nandito siya sa harapan ko. Bukod kay Lucas ay nandito rin si Dayanara. Magkasama na sila ni Lucas nang balingan ko matapos ang isang sigaw.

" No, you like this. Fuck you, Gwen. Umalis lang ako, nag-aral pa nga at hindi ka iniwan nang basta-basta!" sigaw niya. Humakbang si Lucas dahil mas lalo lang humigpit ang yakap sa akin ni Jack. Nahihirapan na akong huminga dahil sa paninikip ng dibdib.



Umubo ako nang malakas dahil nalipat ang yakap niya sa leeg ko, napahawak ako r'on para ilayo man lang nang kaunti sa akin. Pinalandas ni Jack ang kanyang kaliwang braso na nakatutok sa akin at napasinghap ako nang makita kung anong bagay ang nakatutok sa likod ko kanina.



"Jack, Jack! Jack! Putang*na!" sigaw ko dahil hindi iyon nakatutok sa akin kung hindi kay Lucas na nagpipigil ng sarili.




Huminto si Lucas, palihim akong nagpasalamat dahil sa hila ni Dayanara sakanya. Tama, please Dayanara, umalis na kayo.. Please, tama ka. Tama ka, sisirain ko lang ang buhay niya.



"Try to step closer, Estrevillo. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo." Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang malakas na nagsalita si Jack. Hindi ako makapaniwala na alam niya kahit wala naman akong sinasabi.



Bagong gawa ang kuko ko kaya kinalmot ko siya sa braso, narinig ko ang pag-aray niya at ang sigaw ni Lucas pero kahit gaano pa kasakit ang pagbaon ng kuko sa kanyang balat ay wala iyon katumbas.




"Jack, calm down. Hindi nareresolba ang problema nang ganito." Kalmado na litanya ni Dayanara. Ayaw kong mag-isip nang masama dahil sa loob ng ilang buwan na wala si Jack ay siya ang lagi kong kasama. Alam niya rin ang relasyon namin ni Lucas.






"Shut the fuck up, kung sinabi mo nang mas maaga edi sana naagapan ko pa!" sigaw nito pabalik. Nagsagutan si Dayanara at Jack habang ako ay mariin paring nakabaon ang kuko sa braso ni Jack. Nakita ko ang mabilis na kilos ni Lucas pero mas doble ang bilis ni Jack at tinutok sa sintido ko ang baril.





Napapikit ako, binitawan ko na rin ang kanyang braso at taimtim na nagdasal. Sa tanang buhay ko, sa loob ng mahigit na labing pitong taon, ngayon ko lang natandaan tumawag ng tulong, tawagin ang pangalan ng Diyos kung kailan nasa binggit ako ng kamatayan.




"Fuck! Why don't you play fair, Jack. Bitawan mo si Gwen at tayo ang magtutuos." Rinig kong pagkasabi ni Lucas. Mariin iyon at puno ng pagkagigil. Hindi ko na nakikita ang nangyayari dahil nanatili akong nakapikit at natatakot sa baril na nakatutok sa aking sintido.

"Wait for the right time, give me your damn key." Kalmado si Jack, nagmulat ako ng mata at naabutan ko ang paghagis ni Lucas ng susi sa ere. Kakawala na sana ako nang sinalo ni Jack ang susi pero masyado siyang alerto kaya nahuli niya pa rin ako at nagpaputok.






Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon