Kabanata 38

105 3 0
                                    


Hawak ko ang kamera sa kanang kamay habang mataman na tinututok sa anak kong aakyat ng stage para magbigay ng munting regalo sa kanyang guro. Ang buwang ito ay buwan ng mga magigiting na guro at ang anak ko ay bukod sa sulat na siya mismo ang sumulat ay nagpa-bake pa ng bento cake. 





Nakahilera ang mga guro sa unang baitang sa itaas ng gate habang ang mga bata ay nakapila sa linya kung na saang ang mga guro nila. Hapon na ginanap ang pagdiriwang dahil may activity sila kaninang umaga kaya kinailangan ko pa siyang iwanan sa school at balikan ang cake sa restaurant. Mabuti na lang at hindi ako nahuli dahil alam ko nang susungitan ako ni Chloe kung nagkataon. 







Wala si Mae sa araw na ito, ilang araw na rin siyang abala para sa kanyang trabaho. Masaya ako dahil unti-unti niya nang natutupad ang pangarap niya pero may kung ano sa puso ko na nakakaramdam ng kaunting sakit, hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin dahil hindi ko iyon gusto. 






Zinoom-in ko ang video at kuhang-kuha sa kamera ang harutan ng mga bata kaya kahit hindi kasali si Chloe sa harutan ay nahagip pa rin siya. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang natabig nila si Chloe ay bumulusok pababa ng hagdan. Naging alerto ang mga guro at ilang estudyante, nilapitan nila si Chloe samantalang ako ay nag-ugat na sa kinatatayuan ko. Saka lang ako natauhan nang narinig ko ang iyak ni Chloe. 






" M-Mommy..." umiiyak na tawag sa akin ni Chloe. Nilunok ko ang nakabara sa lalamunan ko at hinawi ang mga taong nakapalibot sa aking anak. 





" Baby!" hindi ko na nakontrol ang sarili, kaagad kong dinaluhan si Chloe ay tinabig ang lalaking sumikop sakanya. Kaagad yumakap sa akin si Chloe nang dinaluhan ko siya, yumakap ang binti niya sa baywang ko at ang mukha niya ay ibinaon sa dibdib ko. 






" Ma'am, dalhin po natin sa clinic, may mga nars naka-duty r'on." Tumayo ako hindi dahil sa sinabi ng guro kung hindi dahil sa pangyayaring ikinagulat ko. Sa pangalawang pagkakataon ay nakalimutan ko muli ang sariling anak dahil nakikita ko ang lalaking naging dahilan ng lahat. 






" Gwen, dalhin natin sa clinic!" mariin na boses ang lumitaw, ginalaw ko ang braso ko pero humigpit lang lalo ang hawak niya r'on.



" Damn it! May dugo ang anak ko! Gwen, don't be so stubborn!" bahagya niyang hinila ang braso ko at hinawakan ang binti ng anak kong umiiyak. 




" Baby, are you okay?" bulong ko kay Chloe. Mas lalo siyang umiyak nang kinapa ko ang binti niya. Naramdaman ko ang magaspang na parte sa binti niya at nang tinangnan ko ang palad ko ay may bakas iyon ng dugo. 






"  Mommy, mommy... It's painful, it's like breaking my heart." Parang nalipat sa lalamunan ko ang kaba na nararamdaman ko sa puso, ang sakit-sakit lumunok kaya kahit hindi ko gustong tumagal ang pagsasama namin ay sinunod ko na siya. 







Hinahaplos ko ang likod ni Chloe habang karga-karga ko siya, nakahawak naman sa braso ko ang malaking palad ni Lucas. Para siyang may susugurin sa bilis at kalkulado niyang kilos. Hindi ko alam kung ito ang unang beses niyang pumunta rito pero base sa pag-alalay niya sa amin ay napagtanto kong hindi ito ang una niyang pagpunta rito. Kumatok siya sa salaming pintuan ng clinic, hindi pa man sumasagot ang nasa loob ay pinihit niya na iyon. Binitawan niya ang braso ko pero nalipat iyon sa likod ko, marahan niya akong itinulak sa loob ng kwarto bago ito nagsalita mula sa likod ko.





"Good afternoon, Nurse. I am Lucas Estrevillo, a resident physician in Serrano's medical hospital. Can I borrow your first aid kit?" sunod-sunod nitong sinabi mula sa likod ko. Hindi nagulat ang nars lalo na't nagpakita pa ito ng identification card. 





Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon