Kabanata 49

148 5 0
                                    


Jack killed people just to keep me, ayaw kong maniwala pero malakas ang pakiramdam ko na tama siya. Kaya ganoon na lamang ang galit sa akin ni Dayanara. She literally waited for eight fucking years to get revenge and it was painful revenge.








Namamanhid ako, hindi ako makapag-isip at para akong bumalik sa pinaka unang pahina ng buhay ko. I feel hopeless and  helpless at the same time. 






Hinayaan ko si Lucas sa naging desisyon niya para kay Chloe, sa aming dalawa siya ang may makatuturang hinuha dahil sa propesyon niya. Aniya kinailangan namin ng propesyonal na opinyon para makasiguro na hindi mag-iiwan ng trauma kay Chloe ang nangyari. Sinang-ayunan ko siya dahil wala ako sa sarili kong pag-iisip matapos ang nangyari. 




" Gwen, today is her last session. Pupunta kami ng Papa mo." Nag-angat ako ng tingin, pababa na silang dalawa ni Papa at diretso ang tingin sa akin na nakatayo sa hamba ng pintuan. 





Tinanguan ko sila Mama bago ko ibinalik ang tingin sa gate kung saan nag-iwan ng bakas ang paglisan ni Justin kasama si Chloe. Mahigit tatlong linggo ang lumipas at sa tatlong linggong lumipas ay hindi ko kailanman sinamahan si Chloe sa eksperto dahil nasasaktan ako at natatakot ako sa magiging resulta niyon. 





I am weak... Sobrang mahina ako pagdating kay Chloe... Hindi ko kaya iyon, hindi makakaya ng sikmura kong makita si Chloe habang nasa isang sesyon kasama ang espesyalista kung saan ikukuwento ng anak ko ang naranasan niya, alalahanin lahat ng iyon, ang putok ng baril, ang karahasan ni Dayanara at ang pagtangka niya sa buhay ko.  Sobrang sakit n'on para sa akin. Sa sobrang sakit ay tila bumalik ang nakaraan sa akin, paano pa ang anak ko na walang kamuwang-muwang sa mundo? hindi ko kinaya ang pangyayaring iyon, paano pa ang anak ko na sa murang edad ay nakaranas na ng karahasan. 






" Anak, your daughter needs your presence. She might understand that you are busy with your business, but at least be in her last session." Naramdaman ko ang mabigat na bagay sa balikat ko, marahan ang pagdampi at paghaplos n'on sa balikat ko. 





Ilang beses na nila akong kinumbinsi at lagi naman akong humihindi dahil sa sariling takot. Chloe is understanding, she's braver than I am at malaki ang pasasalamat ko dahil sa ganoong katangian niya. 









At kagaya ng paglisan ni Chloe at Justin ay pinanood ko rin kung paano lumabas ng gate ang sasakyan ng papa ko. Nakaramdam ako ng lamig nang bumalik si ate Analyn at nilagpasan ako. Niyakap ko ang sariling braso bago nagpasyang pumanhik sa kwarto. Dumiretso ako sa tukador nang mapansin ang isang papel d'on. Kusang lumandas ang luha sa mga mata ko pagkakita ko ng sulat kamay ni Chloe. Kaagad kong nilayo ang papel, hindi ko pa man nababasa ay kumikirot na ang puso ko, ayaw kong may mabura sa mga sinulat niya kaya hinayaan ko muna ang sarili na malunod sa pagtangis. 








Gwen.... Sa lahat ng pwedeng kalimutan bakit ang katapangan pa kung kailan kailangan na kailangan... Bakit.. bakit hinahayaan ko si Chloe na humarap sa mundong nakakatakot nang mag-isa. Para akong tanga, natatawa kahit hindi nakakatawa, nakangisi kahit halos mapunit na ang labi sa pamimilit. 







Hindi pa huli ang lahat... Hindi pa huli ang lahat para ipakita ang suporta... Hindi pa...









I am her mother... but I am not present on those days... Paano na lang kung walang Justin, kung walang lolo't lola, kung wala ang daddy niya na nakaalalay sa amin.. saan kami pupulutin? malulugmok kaming dalawa at habambuhay na dala-dala ang trauma. 





Dearest mommy,

                  Today is my last session with dad's colleague named Doctor Cassey. Daddy was always present for my session, but today he can't make it. I understand that both of you have to work for my future.

                 I can do this, mom. I am strong. I have Tito Justin with me, and Lolo and Lola promised to come! 


                I am writing you a letter to ask for a little wish. I wish that after my session ends, both Daddy and Mommy will come and treat me and bring me to the playground. I want to overcome my fear by coming to the playground and playing with you. I trust both of you, and I am sure I can overcome all the fear I have.

Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon