IKINULONG niya ako sa isang madilim na silid at isang ilaw lamang ang nakabukas, ngunit hindi pa rin iyon sapat para magbigay ng liwanag sa buong silid.
Akala ko makakatakas na ako mula kay Hazelton, pero ganoon pa rin pala ang bagsak ko rito. Wala akong hinahangad kundi makalaya—pero bakit ganito? Mukhang tanging kamatayan lang ang nakalaan sa'kin.
Lumuwas ako ng Maynila para maghanap ng trabaho para sa mga magulang ko, hanggang sa natanggap ako sa isang kompanya at naging secretary ni Hazelton Quevas, isa ring kilalang businessman.
We were both working professionally and he is kind to me until he suddenly confessed that he likes me. Hindi ako naniwala nung una kasi sa dinami-dami ng babaeng naghahabol at nagkakandarapa sa kaniya, bakit sa'kin siya nagkagusto? I was just a simple person who wants to earn money so I have something to provide for my family. Isa pa, wala sa plano ko ang mag-asawa; gusto ko lang talagang makatulong sa mga magulang ko.
Kaya tumanggi ako nang sinabi niyang gusto niya akong maging girlfriend, but then he suddenly became obsessed with me to the point that he even forced me to be his and imprisoned me in his mansion.
Magdadalawang taon na akong nagtatrabaho noon sa kaniya, at uuwi na sana ako ng probinsya, ngunit kinidnap niya ako at ikinulong sa mansion niya. Umabot pa siya sa puntong muntik niya na akong gahasain, mabuti na lang hindi niya naitutuloy dahil parati akong nagpupumiglas.
I wouldn't deny that Hazelton is indeed handsome; he has a pair of pitch-black eyes, a pointed nose, and thin lips, pero kahit kailan hindi ako nahumaling sa kanya. Mahigit isang taon niya akong ikinulong, at sa loob ng mga panahong 'yon ay nag-akto akong mahal ko rin siya—I was trying to deceive him, to gain his trust so I could escape from him, but I guess I was never a good actress.
Alam kong ramdam niya na wala akong nararamdaman para sa kaniya kahit pa ialay niya lahat ng kayamanan niya sa'kin.
Natakot ako sa mga banta niya sa'kin at para sa pamilya ko, kaya pinagtiisan ko siya. Ilang beses din akong nagtangkang tumakas, kaso hindi ko nagawa dahil palagi niya akong nahuhuli, hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa.
Maliban na lang noong narinig ko ang usapan nila ng ama niya na kailangang may mapatunayan ako bago nila ako pagkatiwalaan at hahayaang makalabas-labas. The freedom he gave me was only a permission to see my parents whenever I want, but not a freedom in their arms, pero sa akin okay na iyon kaysa naman habang buhay akong makukulong sa impyernong bahay nila.
Gusto nilang gawin ko ang huling misyon niya na pabagsakin si Lucian Velorca, kaya nag-apply ako bilang secretary niya para makuha ang mga pinapahanap nila sa'kin.
Tinakpan nila ang tunay na mukha ko gamit ang hyper-realistic mask at ginamit ang mukha ng iba upang hindi ako mabisto.
Even though I was against it, I still did it because I was so desperate at that time to be away from them. Even though I know to myself that no matter if I did it or not, I wouldn't still be able to find my freedom.
Kahit malayo ako sa kanila, I still know their eyes are all over mine, and they never failed to threaten me about what they can do once I betray them.
I feel so suffocated in my situation, and the only thing I want is to remove the chain in my neck, pero habang tumatagal, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asang makalaya. Kung si Satanas ang nagkulong sa'kin noon, mukhang demonyo naman ang nakahawak sa'kin ngayon.
Mabilis akong napalingon nang bumukas ang pinto. My heart began to beat fast again as I saw his familiar shadow walking towards me.
I looked at Lucian as our gazes met. His hazelnut eyes are raging, it could almost pierce my skin. Kaya kahit nanlalamig ako sa takot ay pilit ko pa ring sinalubong ang mga titig niya, ngunit para akong mauubusan ng hininga dahil sa lakas ng presensya niya.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomansaWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
