MABILIS akong tumakbo palayo, at tinawid ang nadaanan kong kalsada papuntang gubat dahil may posibilidad na madaanan ako ni Lucian kapag sa mismong kalsada ako dadaan. Lakad-takbo lang ang ginawa ko, at halos malagutan na ako ng hininga, kaya nagtago muna ako sa likod ng puno para magpahinga.
I leaned down, holding my knees, panting heavily from exhaustion and fear. Tahimik ang buong kapaligiran, madilim, ngunit hindi payapa. I could hear the crickets chirping and the sound of rustling branches caused by the wind. Bawat tuyong dahon na nadadaanan ko ay gumagawa rin ng ingay. I had no idea where I was going. I was unfamiliar with this place, but all I have is desperation to escape. Nilibot ko ang mga mata ko sa lugar, ni walang bahay na madadaanan. Napapikit ako ng mariin at muli akong nagsimulang maglakad.
Tagaktak ang pawis ko sa buong katawan ko. Pilit ko ding tinitiis ang kirot sa mga paa ko dahil sa paglalakad at paminsan-minsan kong pagtakbo. Napakadilim ng paligid at tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw. Tuluy-tuloy lang ang landas na tinatahak ko hanggang sa makarating ako sa maingay na lugar. Nasa panibago na akong daanan at may mga sasakyan nang pumaparoo't parito.
Diyos ko, salamat!
Halos gusto kong tumalon sa tuwa dahil sigurado akong malayo na talaga ako sa kanila, pero saan na ako pupunta ngayon? Wala akong pera o anumang gamit. Hindi rin pamilyar sa akin ang lugar na ito.
Mabilis akong yumuyuko kapag may mga taong napapalingon sa akin. Kinakabahan kasi ako dahil baka isa sila sa mga tauhan niya, o baka siya na iyon mismo. Ang hirap magpakampante kahit pa alam kong nakalayo na ako. I know that demon, hahanap at hahanap iyon ng paraan mahanap lang ako.
Biglang pumasok sa isip ko si Hazelton. Kung sa kanya ako hihingi ng tulong, babalik lang ulit ako sa magulo kong buhay. Tiyak na wala din akong kalayaan sa kanya. Kaya ba't pa ako babalik doon? Para gamitin ulit nila akong pain ng ama niya? Tama na, pagod na ako sa pagdurusang natamasa ko mula sa kanila, pero sino ang maaaring makatulong sa akin para tuluyan na akong makaalis sa lugar na ito?
Pumunta ako sa isang store na bukas pa. Napasilip ako sa orasan—alas nuebe kinsi na, halos inabot din pala ako ng isang oras sa pagtutumakbo kanina. There were some burdock burrs clinging to my clothes after I walked through the forest. May maliliit din akong mga gasgas sa braso dahil sa sobrang dilim ng paligid kanina ay hindi ko namamalayan ang mga nababangga ko.
Kahit malayo na ako sa mansion, hindi pa din imposibleng mahahanap nila ako dito. Baka nakauwi na siya sa mansion at nalaman nang tumakas ako. Malamang hinahanap na nila ako. He would make it sure to look for me in the entire place and he won't stop until he found me, kaya hindi ako dapat maabutan ng araw sa lugar na ito!
Mabilis kong hinabol ang babaeng naglalakad papuntang kalsada.
"A-Ate, may pantawag ka po? Puwede po bang makisuyo? Hindi ko kasi alam kung paano bumalik sa amin. Tatawagan ko lang sana ang kaibigan ko," desperado kong sabi, ngunit tinignan niya lamang ako. I know how messy I look right now, puno rin ng putik iyong itim na sapatos kong suot.
"Sorry, nagmamadali ako." Mabilis ko siyang pinigilan nang akmang aalis siya. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya, "Sige na po, please, maawa ka po," halos mangiyak-ngiyak kong pakiusap. Bumuntong hininga siya at naawang tumingin sa akin.
"Oh sige, bilisan mo lang, baka gabihin ako—nandiyan na ang jeep na sasakyan ko pauwi." Kinuha niya ang cellphone mula sa bag niya at inabot ito sa akin.
"Diyos ko, salamat po! Salamat!" Kaagad kong tinipa ang number ni Katkat dahil siya lang ang naisip kong pwedeng makatulong. Kaibigan ko siya at kapitbahay dahil magkasunod lang ang apartment namin, at ang boyfriend niyang si Jacob.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomanceWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
