CHAPTER 10

60.5K 1.4K 132
                                    

UNTI-UNTI kong inalam kung ano ang bagay na nakagapos sa akin dahil hindi talaga ako makagalaw. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at agad na bumungad sa paningin ko ang mukha ng demonyo na komportableng nakayakap sa akin.

His arm is wrapping around my waist, while his head is comfortably resting above my chest. His lips are slightly open, and his thick, curled eyelashes are still alive. Mabibigat ang pag-hinga niya, halatang ang himbing ng tulog niya.

Natigilan ako at nahiwagaan sa mga galaw niya simula noong isang linggo pa. Simula noong dinala niya ulit ako dito, at nang nalaman niyang buntis ako, I felt like something has changed. Hindi ko tuloy maiwasang magduda kung may pinaplano siya sa akin. Lucian is such an insidious man; every move he makes is fraught with danger.

Bigla na lang nabuo sa isip ko na baka gusto niyang kunin ang anak ko, that's why he is taming me and lurking my soft sides, for it would be easy for him to get my baby? Puwes, nagkakamali siya! Tatlong buwan na ang tiyan ko at medyo nahahalata na, and once I give birth, I won't let him take away my child from me no matter what happens.

Muli akong napatingin sa kanya. Sobrang lapit lang namin sa isa't isa. We're still both naked from what we did last night. I could feel his bare skin on mine as half of our bodies are covered by the blanket. Kitang-kita ko ang nagiigting na kalamnan ng kanyang braso, at ang malapad niyang dibdib na may medyo mabalahibong bahagi.

Napaangat ang paningin ko sa mukha niya. Isang napakademonyong kagwapuhan ang lumantad sa mga mata ko... na kahit sinong babae ay hindi siya iiwasan, puwera na lang siguro sa nakakaalam kung gaano siya kasungit at kademonyo. Pero kahit pa siguro malaman nilang halimaw siya, hahabulin pa rin siya ng kahit na sino, maliban na lang sa akin.

Kahit kailan hindi ako nagkandarapa sa gagong ito, kahit nung nagtatrabaho pa lamang ako bilang secretary niya.

I became his secretary for almost seven months, but falling in love with people who are powerful like him and Hazelton was never my thing. I never dreamt of marrying a guy who's rich and powerful; I only want a simple man who can respect, love, and accept me for who I am, but I doubt if I'll ever find one. I can't even escape from this devil. Ang higpit pa ng yakap niya sa akin, akala mo naman talaga.

Gusto ko sanang baklasin iyong kamay niyang nakapulupot sa katawan ko, pero natatakot ako baka magising siya at magalit na naman. Buti na lang kahit paano, mas nabalutan ng kumot ang hubad kong katawan.

Ang dikit kasi ng katawan naming dalawa, at naiilang ako sa posisyon naming ganito. This is not for me, and actually, this is our first time sleeping together; worst, he even made me his pillow. Bwisit na demonyong ito.

Gusto ko tuloy samantalahin ang pagkakataon na habang tulog siya, gusto kong itakip ang unan sa mukha niya para hindi na siya makahinga. Pero paano, eh hindi ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa mukha niya; he was sleeping so peacefully, and it feels like he's been restless his entire life. Napabuntong-hininga ako at gusto kong haplusin iyong pisngi niya.

Napakagat ako ng labi at nag-iwas ng tingin dahil parang may kakaiba akong naramdaman sa loob ng tiyan ko. Parang may lumilipad na paru-paro, o baka gutom na ako? Muli kong ibinalik ang paningin ko sa mukha niya... Hanggang sa pagtulog parang nakakunot noo parin siya, sobrang dabong kasi ng mga kilay niya.

I bit my lower lip again, because I suddenly want to pinch his pointed nose. Maya-maya ay unti-unti nang gumalaw ang pilik-mata niya, naalarma naman ako dahil simbolo lang 'yon na magigising na siya. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring tulog. Naramdaman kong tinanggal niya ang pagkakandatay ng binti niya sa mga hita ko.

May narinig akong ilang kislot ngunit hindi niya pa rin tinanggal ang braso niyang nakagapos sa katawan ko. Kinabahan na ako bigla nang maramdaman ang pagdikit ng aming ilong, sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko at unti-unti kong naramdaman ang pagdampi ng mainit niyang mga labi sa labi ko.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon