CHAPTER 36

111K 1.7K 239
                                        

PAGKAPASOK pa lang namin sa bahay at papalapit pa lang kami sa sala, sumigaw na agad si Milo nang makita kami.

"Mama!" agad siyang tumakbo papalapit at yumakap sa'kin kaya nagbitawan kami ng kamay ni Lucian.

"Daddy?" he unbelievably said when he saw Lucian on my side. Nakita ko kung paano unti-unting ngumiti si Lucian at lumuhod para mapantayan niya ang anak namin.

"Yeah, it's me. Come on, give me a hug." He opened his arms that made Milo run to him.

"I miss you, Daddy. I thought you wouldn't come back again." He whispered as he snuggled on Lucian's neck. Pinulupot ni Lucian ang braso niya kay Milo, at hinalikan niya ito sa pisngi.

"I miss you more, son, and that would never happen. Daddy will always come back for our family." Napangiti ako at napayuko para yakapin din sila. There are tears forming in my eyes because I just feel the happiest having them in my life. I am now a mom and a wife, and these two men in my arms are my family, my hope.

I once believed that pain is heavier than love, but now I realized no it's not, pain is only a testament how long our love will last... and remembering those things I've been through, towards to feeling their warm embrace now; indeed love wins.

Mama and papa just looked at us in disbelief kaya napakalas kami ng yakap at napatayo habang si Lucian ay buhat-buhat pa rin si Milo sa bisig niya.

"Good evening, ma, pa. Si Lucard po?" tanong ko habang namumula ang pisngi ko. Natatawa naman siyang napatingin sa akin.

"Nasa kusina, anak." Lumapit si Lucian kina mama at papa na karga-karga pa rin si Milo.

"Good evening, pa, ma..."

Nagulat ako dahil sa tinawag niya kina mama at papa, ngunit bigla na lang nag-init ang dibdib ko nang nginitian siya ni mama at papa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang tinawag niyang Mama at Papa ang mga magulang ko.

Hindi ko alam bakit naiiyak ako, napatitig na lang ako sa kanya. Tila magaan naman talaga ang loob ng magulang ko sa kanya dahil sa apat na taong inalagaan niya ang mga ito.

"Masaya kami para sa inyong dalawa, anak, huwag na huwag mong saktan ang nag-iisang Milk namin. Alam mo kung gaano namin siya kamahal."

"I promise, ma, I love your daughter. Thank you for accepting me, even after everything I did, and I promise I will take good care of your daughter and your grandson." Parang may kamay na humahaplos sa puso, lalo na sa paraan ng pagtawag niya kina mama.

"Walang anuman, at salamat din ng marami sa'yo. Sana maging masaya kayong dalawa kasama ang anak n'yo." Napayuko ako sa mga sinabi ni Papa, hindi ko tuloy mapigilang mapaiyak dahil sa sobrang saya.

Dahil karga-karga ni Lucian si Milo, ginamit niya ang isang kamay niya para haplusin ang likod ko. He kissed me on the forehead, "Shh, stop crying..."

"Silly, I am crying because I am just so happy," I whispered, at siniksik ang mukha ko sa bisig niya.

Hindi ko mapigilan ang maging emotional, parang lulubog ang puso ko sa tuwa na ganoon kasuportado ang mga magulang ko sa amin.

"I l-love you too, ma, pa..." Lumapit ako sa kanila at hinapit sila para yakapin ng mahigpit.

"Naku anak, tama na ang iyak. Kahit kailan talaga, hindi ka nagbabago, pusong mamon ka pa rin."

"Mama naman eh!" Tinawanan niya lang ako. Napatitig naman si Lucian sa'kin, agad akong napatingin kay Milo nang magsalita siya. Kanina pa pala nakakunot ang noo niya, natawa pa ako dahil kamukhang-kamukha niya talaga ang ama niya kapag ganyan siya.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon