WARNING: 18+
(The following chapter contains explicit sexual content and may not be suitable for all young readers. Reader discretion is advised.)
HINDI ko alam kung bakit hanggang ngayon ay sumisikip pa rin ang dibdib ko simula nang umalis sila kanina at hindi pa bumabalik. Nanginginig ang kalamnan ko sa tindi ng inis na nararamdaman ko.
Sinubukan kong kalimutan ang nakita ko kanina, pero mas lalo lang itong tumatak sa isip ko, lalo na noong nakita ko silang magkasamang umalis. Naikuyom ko ang mga kamay ko at padabog na naupo sa upuan.
I glanced at the kitchen window, where I could see the garage, and I hated that every passing hour, I never saw any car or heard any horn.
Pasikot-sikot ako mula kusina, sala, taas at baba, pero wala pa rin iyong demonyong iyon. Hanggang dumilim na iyong langit, wala pa rin siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil mula kaninang umaga hinihintay ko ang pagdating niya. Bakit ang tagal niyang umuwi? Ano ba talaga ang totoong ugnayan nila ng bruhang Veronica na 'yon?
I tightly closed my eyes. Bakit ba kasi ako umasang wala silang malalim na relasyon ng babaeng iyon? Stupid of you, Milk! Sa ganoong mga kilos, wala pang relasyon? Inis na tanong ng isip ko. Inabot ko na lamang ang tubig na nasa ibabaw ng lamesa at kaagad na ininom ito.
"Hija, kanina ka pa riyan. Ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo." Natigilan ako at napalingon sa gawi ni Aling Corazon.
"Aling Corazon, ayos l-lang po ako." I avoided her gaze.
"Kanina ka pa rito. Magpahinga ka na. Hinihintay mo ba si Señorito Lucian?" I immediately bit my lower lip as my cheeks turned red. Her voice was trying to imply something. Nakita ko rin ang mapanuksong tingin niya.
"P-po? Ah h-hindi ho. Sige po, mauna na po ako."
Kaagad akong tumayo at naglakad papuntang silid. Nanlalambot ang mga tuhod ko nang makarating ako sa loob ng kwarto ko. Sa hindi malamang dahilan, naramdaman kona lang ang biglang pagtulo ng mga luha ko. Naiinis ako! Ang sarap magwala. Why do I have to feel like this!
I threw the pillow on my bed as I turned left and right, frustratedly.
"Ahhh!" I groaned in frustration. Naiinis ako dahil kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Ano na kayang ginagawa ng demonyong iyon kasama iyong girlfriend niyang aswang? Why am I overthinking like this? What the hell do I care? Magsama sila.
I stood up and locked the door of my room. Bwisit siya, huwag na huwag na siyang pumasok rito! Doon na lang siya sa bahay ni Veronica.
Pagkatapos kong i-lock ang pinto, kaagad akong pumunta sa mini-sala ng kwarto at inis na napatitig sa TV na hindi naman nakabukas. Sumandal ako sa sofa at pumikit, ngunit kaagad din akong napadilat dahil may narinig akong malakas na pagkatok mula sa pinto.
Si Lucian na ba iyon? Kumabog bigla ang puso ko sa isiping nakauwi na siya.
"Milk..." Speaking of the devil, the real devil is finally here. Great! Note the sarcasm. Gabing-gabi na, buti naisipan niya pang umuwi? Nahiya pa siya—sana natulog na lang siya sa bahay nila ni Veronica at siya ang tabihan niya.
Tumayo ako at mabilis na naglakad papasok ng banyo. Bahala siya sa buhay niya. I closed the door and locked it.
Napairap ako habang rinig na rinig ko ang palakas nang palakas na katok sa pinto sa labas.
Malawak naman ang banyo na ito e, puwedeng-puwede akong matulog rito. I can endure sleeping in the bathtub with pillows and blanket, just so I won't see his face. Alam ko namang hihingin niya iyong susi ng kwarto kapag nagsawa siyang kumatok e.
Napaigtad ako nang bigla na lang may malakas na kalabog sa labas ng pinto ng banyo. Nakapasok na yata ang damuho, but I'm no longer shocked anymore. Ganyan naman iyon e. Bakit ba kasi umuwi pa iyan?
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomanceWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
