THE clouds really moved fast—we are already living here in the States. After Lucard was done preparing some papers, we no longer wasted time to leave and moved to another country, where Lucian won't find us.
Napadungaw ako sa terrace. Ibang klima na naman. Ibang lugar, ibang taong masasagupa. Kung papipiliin ako, ayoko nang maging Milk Sevilla. Ayoko nang maging mahina, madaling mapaikot, at madaling maloko.
Simula noong nakarating kami sa bansang ito, tila nakalaya na ako sa kulungan. Ilang buwan na ang nakalipas, ngunit hindi pa rin nabubura ang sakit ng nakaraan ko. It will forever haunt me because it left a permanent scar in my heart.
Kahit anong tago ko sa mukha ko, hindi ko pa rin maililihim ang bakas ng nakaraan ko. Maybe that's the reason why I can't just forget about my past—because sometimes, you need to keep on remembering them until the pain you carry makes you numb. And maybe that's what really makes us strong. Maybe this is how life goes—being strong means being numb.
So here I am, allowing myself to cry, to feel this pain, and to grieve. Maraming pagkakataon na bigla ko na lang naaalala ang lahat at nauuwi sa iyak at pagkamuhi ang nararamdaman ko. But I am allowing myself to suffer from all of this pain and resentment, 'til I get tired, 'til I become numb, 'til I learn to stand and fight.
Nakakatulong din ang paglalakad-lakad ko tuwing umaga para gumaan ang pakiramdam ko. Minsan, pinapasyal ako ni Lucard sa magagandang lugar para daw hindi ako mabore sa bahay. I've been imprisoned in hell for how many years, that's why going outside without getting worried that someone out there might take me hits different. Para akong batang ignoranteng makalanghap ng sariwang hangin. Ganito siguro kapag pinagkaitan ka ng kalayaan ng matagal na panahon.
Hanggang ngayon, hindi pa rin kami tumitigil sa pag-iimbestiga tungkol sa mga magulang ko, and I'm still hoping na buhay pa sila. Hindi man klaro ang mga impormasyong nakukuha namin, patuloy pa rin akong kumakapit sa munting pag-asa na buhay pa sila—lalo na at hanggang ngayon ay wala pang sapat na ebidensya na patay na sila. Kahit man lang sana bahagi ng abo ng katawan nila ay wala silang nahanap.
Pitong buwan na ang tiyan ko, at hindi ko pa rin ma-imagine kapag lumabas na ang baby boy ko. But one thing I can promise: aalagaan ko siya ng mabuti at mamahalin. Tuturuan ko siya ng maayos na pag-uugali at maging mabuting tao. Malayo sa ugali ng demonyong ama niya.
"Hey, that's enough. You're having fun doing it, huh? Come here, take your vitamins."
I smiled when he stopped me from changing the flower in the vase early in the morning, while I haven't taken my vitamins. I caressed my big tummy. My baby inside my tummy is getting heavier, but I was happy that he's growing healthy inside me.
"Salamat. Pupunta ka ba sa opisina mo ngayon? Puwedeng sumama?"
Napatawa siya sa akin nang tinanong ko siya ulit dahil siguro hanggang ngayon hindi parin ako sanay na malaya na akong makalabas, at wala ng pumipigil sa akin sa gusto kong puntahan.
"Makulit ka talaga. Oo nga. Come here, umupo ka muna. Ako ang nahihirapan sa sitwasyon mo."
Hinila niya ako at pinaupo sa couch. Ininom ko ang vitamins na binigay niya habang nakatitig lang siya sa akin. Napatingin ako sa kaniya, at nakikita kong may lungkot sa mga mata niya.
"Milk, stay calm, okay?"
My forehead creased because of what he said.
"Ha? Bakit, ano ba 'yan?"
Bigla na lang ako kinabahan sa hindi malamang dahilan. I hate it when he is being serious because I knew he'd gonna say something that might shattered my heart.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomansaWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
