CHAPTER 46

63.8K 1K 114
                                        

Napakunot noo ako sa sinabi niya, narinig ko pa ang mga footsteps na naglalakad sa kabilang linya.

"Ma? Huwag mong sabihin sa kaniya kung nasaan kami!"
Ngunit walang may sumasagot sa kabilang linya. At may narinig akong pag-uusap na para bang malayo at unti-unting lumalapit.

"Ma, nandito ba si Milk?"

"Ha? Wala dito, bakit ano nangyari ba't mo siya hinahanap ? O, ito kausap ko siya sa phone...hello Milk? Nandito ang asawa mo, hinahanap ka niya. O, ito kausapin mo"

"Wife? Laham, where are you?Milk let's____"

Agad kong pinatay ang tawag. Naibato ko ang phone ko sa gilid ng counter. Malamang magtatanong siya kay mama! Buti nga, para malaman na ng magulang ko ang kagaguhang ginawa niya!

Siguro nahirapan siyang itracked ako dahil pinutol ko yung sim card at bago ako umalis ay iniwan ko ang phone na laging nakakonek sa GPS niya. Pero kahit pa na mahanap niya kami ay hindi na ako babalik pa sa kaniya!

Di ko na sinama pa ang yaya ni Milo, kaya ko naman ang anak ko at hindi ko iaasa sa gagong 'yon ang lahat. Kaya ko rin kumuha ng katulong at yaya ni Milo kung gugustuhin ko.

Saglit akong napalingon sa anak ko at nakita ko siyang nakatitig lamang sakin habang nagluluto ako, agad siyang napangiti sakin ng tumingin ako sa kaniya. Muntik na akong mapaiyak sa reaction niya, kahit nakangiti siya nakikita kong malungkot ang mga mata niya.

Agad kong ibinalik ang tingin ko sa ginagawa ko, may namumuong luha sa mga mata ko ngunit ginawa ko ang lahat para di na tumulo ito. Muling tumunog ang phone ko sa gilid kaya napatingin ako dito.

Unknown number, kaya pinatay ko ito. Bumalik ako sa puwesto ko kanina ngunit tumawag ito ulit, hinayaan ko lang hanggang sa mamatay ito.

"Mommy your phone is ringing po...baka si daddy?"
Inosente niyang tanong kaya mas lalo akong nainis.

Kaya nilapitan ko ulit ito at pinatay. Pagkatapos ay in-off ko ito para di na tumunog pa. Inihanda ko na ang pagkain at kumain kami ni Milo, pero wala akong gana. Maya-maya ay may narinig akong paulit-ulit na pagtunog ng doorbell.

Napatingin ako sa maliit na bintana dito sa kusina at may nakita akong lalake na nakatayo sa labas ng pinto, pero di ko nakikita yung mukha niya.

May bitbit siyang eco bag, napalingon ako sa anak ko na kumakain mag-isa. Naglakad ako papuntang sala, nagdalawang isip akong buksan yung pinto dahil sa nakita ko kanina. Hindi ang gago kong asawa ang nasa labas base sa pantindig niya.

Narinig ko ulit ang pagdoorbell kaya unti-unti ko itong pinihit.

"Finally, akala ko walang tao"

"Kuya ikaw pala, pasok ka"

Agad kong sinara ang pinto at inilapag niya yung dala niya sa coffee table.

"I called you many times, di mo naman sinasagot, bago ba number mo?"
Siya pala yung tumatawag kanina.

"Ah sorry akala ko kasi kung sino...nakakain kana ba?"

"Actually nagkape lang ako,  where's Milo? May dala pala ako dito"

"Salamat, nasa dinning siya"

Naglakad kami papuntang dinning at ayon sa nakikita ko, ang laman ng bitbit niya kanina ay mga pagkain at laruan.

"Hi baby, how are you?"

"Uncle! I'm fine let's eat po"

"Oh...thank you baby, look, may gift ako sayo"

"Wow! Thank you uncle...kasama niyo ba si daddy?"
Bigla nalang natahimik si kuya at napatingin sakin.

"Milk, ba't pala kayo nandito? Where is he by the way?"
Napayuko ako at umupo...di ako nakasagot sa kaniya kaya si Milo nalang ang kinausap niya.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon