Hinila niya ako paupo ng kama at narinig ko siyang nag-tsk, at napapailing habang nakatitig sa'kin.
"Don't do that again do you understand?"
"Yes Laham...kumusta trabaho mo?"
"It's fine...so far mas dumami yung investors this month"
Ngumiti ako sa kaniya...maya-maya ay mas lumapad pa ang ngiti ko.
"What's that smile?"takang tanong niya.
"Laham kasi masaya ako para kay kuya, di nga ako makapaniwala na may anak na siya...gusto ko rin tuloy ng baby girl Laham"
"Me too...I hope babae na talaga wife"
Sabay himas niya sa tiyan ko na wala pang bulto.
"Sana nga Laham, next week na ulit ako magpapacheck up two months narin siya no'n"
"Really? Laham, diba until nine months puwede parin?"
"Puwedeng ano Laham?"
"Tsk! Magmake love"
"Anak ng?! Kabuwanan ko na 'yon Lucian utang na loob!"
"I know wife, but according to Helcurt puwede pa 'yon as long as kaya mo...he's a doctor"
"Kung kaya puwede pa, peru...diyos ko! Kung alam niyo lang gaano kahirap magdala ng malaking bola sa tiyan. I'm sure magmumura kayo araw-araw!"
"I'm just asking wife, I didn't say something that we we're going to do it!"
"Ewan ko sa'yo! Papasok kaba bukas?"
"Of course not, kaya nga tayo nandito for mama's birthday for tomorrow right?"
"Oo na nagtatanong lang Velorca ang sungit mo!"
"What? Sinusungitan ba kita?"
"Akala mo lang wala! Ikaw na maghatid kay Milo bukas ha?"
"Yeah...pupunta ba yung old man dito bukas?"
Tukoy niya kay daddy...walang modo talaga itong asawa ko. After kasi noong makalabas siya ng hospital ay agad niyang kinausap si mama. Pakiramdam ko, ang araw na pinatawad siya ni mama ay ang araw na nagbigay ng bagong ilaw at kapayapaan sa bawat isa sa'min.
Di daw siya makapunta bukas, pero alam kong dahilan niya lang 'yon dahil nakikita ko na nahihiya siya kila mama at papa. Sa kabila ng ginawa niya, nagawa parin ng mga magulang ko na patawarin siya. Lumabas na kami ni Lucian at saktong papaalis na sila Honey.
"We're going Lolo, Lola advance happy birthday po" sabi ni Hannah at nagbless siya dito.
"Thank you apo, balik kayo dito bukas ha?"
"Yes po..."
"Alis na po kami...thank you"
Ngumiti ako kay Honey at hinatid sila ni kuya.
"Wife, we're going..."
"Sige bye, ingat kayo ha?"
Sabay pa silang humalik ni Milo sa magkabilang pisngi ko. Pero after no'n ay hinalikan niya ulit ako sa labi.
"Laham, yung mangga ko ha?"
"Yeah, I won't forget"
*********
Simple birthday party lang talaga 'yon kasi gusto ni mama. Pati si kuya ay di pumasok at kakatawag lang ni Lucard na papunta na sila ni Elyree dito.
Mamayang hapon pa naman magsastart kaya di ko na pinaabsent si Milo. Gusto sana ni Lucian home schooling lang daw muna, pero mas gusto kong maranasan ni Milo yung normal na estudyante na nagsisikap pumunta ng school.
Gusto ko nga sana sa public lang eh, kasi mas enjoy ka doon...parang ako lang dati pero siyempre, hinding-hindi papayag si Lucian no'n...lalo na't di namin alam ang takbo ng mga isip ng masasamang tao. Pero talaga bang hindi nagustuhan ni kuya si Honey noon? Eh bakit ang lagkit ng mga titig niya kay Honey? Baka ayaw lang umamin ng loko kong kapatid.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomanceWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
