CHAPTER 29

95.1K 1.7K 43
                                        

                       "GET out of my way! You're no different from him! Parehas kayong traydor! I told you, huwag niyong ubusin ang pasensya ko!" He shouted as I closed my eyes when he pulled the trigger of the gun and targeted the ceiling, resulting in a loud sound that made me shake in fear but he, he didn't even blink.

"Labas siya dito, Lu! Gawin mo na ang gusto mo. You want to kill me? Do it. Basta huwag na huwag mo lang sasaktan si Milk dahil ni minsan 'di ko 'yon ginawa sa kaniya!"

I looked at Lucard when he said it. He doesn't need to die just for him to assure my safety! But I wasn't able to react as I shouted when Lucian punched Lucard in the stomach.

"Tama na! P-Please!" garalgal kong sabi dahil hindi ko na kayang pinapahirapan nila si Lucard.

"Damn you! Death is not enough for a traitor like you!" Lucian's voice was tremendous as he kicked Lucard again in the stomach. Blood immediately spilled from his mouth.

"Itigil mo na ito! Tumigil ka na!" Tumayo ako at sinugod ko siya. Wala akong pakialam kahit barilin niya ako. Pinagsusuntok ko siya at sinasangga naman niya ang mga braso ko.

"Napakawalanghiya mo! Sana hindi ko na lang hinayaang makilala mo ang anak ko! You don't deserve to be a father! Halimaw ka!"

Nanghihina ako kakasigaw. I was losing out of breath as I kept on punching him.

Tears kept streaming on my cheeks. Galit na galit siyang napatitig sa akin at mas lalong nandilim ang mata niya sa sinabi ko. Marahas kong pinahiran ang mga luha ko habang nanghihina kong sinasalubong ang nakakamatay niyang tingin.

"Sige, patayin mo si Lucard at sasabihin ko lahat-lahat ng kademonyohan mo kay Milo. Sige! Para maramdaman mo kung paano ka kamuhian ng sarili mong anak!" galit na galit kong singhal sa kaniya. Nagtatagis ang bagang niya at nagliliyab ang mga mata niya sa galit nang sabihin ko 'yon.

"Ginawa niya ang lahat para iligtas ang anak mo pero masyado kang makasarili! Ni hindi mo makita 'yon at mas pinili mong manakit kaysa magpasalamat. You never change, Lucian. You are still the same. You are still selfish and always thinking about your own good! You never learn to listen, you never learn to understand! Nandidiri ako na binigay ko ang sarili ko sa'yo. Nagsisisi ako na ikaw ang naging ama ng anak ko!"

"Shut up! Shut up!" galit na galit na sigaw niya at napatakip ako sa tenga ko nung pinagbabaril niya ang wall sa paligid. It was creating gunshot sounds that made my knees weak. Lahat ng babasaging gamit dito ay unti-unting nabasag at bigla na lang niya akong hinila sa braso.

"Damn it, Lu! Kill me, not Milk!" sigaw ni Lucard nang tuluyan kaming napalayo sa puwesto niya.

"Wait for your right time, asshole! Magtutuos tayong dalawa, and I will ruin everything on you just like what you did to me!"

"Lucard!" sigaw ko sa pangalan niya nang hinila ako ni Lucian palabas. I silently winced in pain when he tightened his grip on my arm.

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Nagpumiglas ako at pilit na kumawala sa kaniya ngunit masyado siyang malakas. Kinaladkad niya ako sa hagdan at halos hindi ko na makita ang daan. Ang sakit na din ng paa ko dahil ilang beses akong napatid.

Hinila niya ako papasok ng kotse niya ngunit nagmatigas ako. Kailangan kong balikan si Lucard dahil baka kung anong gawin ng mga demonyo niyang kaibigan doon.

"Hindi na ako magiging sunod-sunuran sa'yo kahit kailan! Napakademonyo mo! Ahhh! Demonyo ka talaga!" I shouted at him, as I looked at him with my raging eyes but he only smirked.

"Yes, baby! I am a devil! I am!" Napakabog ang dibdib ko at parehas nagtama ang mga mata namin. Magkadikit ang aming katawan habang nakahawak siya sa dalawang kamay ko. Nakatingala ako sa kanya dahil mas matangkad siya sa akin, habang siya ay titig na titig lang sa akin. We've been staring for a few seconds before I heard the click of the car as he pushed me inside.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon