MABILIS kaming nakarating sa hospital at buti na lang malapit lang 'yon dito. Natataranta ako at hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti na lang at mabilis siyang inasikaso ng mga ng mga nurse at doctor. Walang patid ang takbo nila, may dala-dalang stretcher, may tumatawag sa ER, may nagche-check ng vital signs. Parang lumulutang ako sa takot habang sinusundan siya ng tingin.
Nasa labas lang kami ni Lucard dahil hindi kami puwedeng pumasok. Hindi ko pa alam kung ano na ang nangyayari sa anak ko dahil bigla na lang siyang namutla at hinimatay. Napapikit ako at paulit-ulit na nanalangin. Wala naman sanang nangyaring masama sa kanya...
"Shh, everything will be fine." Lucian instantly comforted me. Mabilis tumulo ang luha ko.
"P-Paano kung may mangyaring masama sa kaniya?" garalgal kong sabi. Nakita ko kanina kung paano siya namutla at hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak ko. The strange feeling of losing someone is hastily haunting me.
"No, Milk. God will never let that happen," sagot niya, sabay hawak sa pisngi ko. "He's a good son. And you... you're a good mother. I swear tutulungan niya kayo. Don't panic."
He caressed my back, calming me down. I cried and silently prayed na sana huwag naman ang anak ko. Kung kinakailangan, ako na lang. Please, ako na lang. I can't bear to see my son suffering. I can't take it if something bad happens to him.
Natagalan kami sa paghihintay at halos ilang oras din kaming nakaupo sa labas. Bawat Segundo at bawat pitik ng oras ay nag dadala ng tinding kaba sa akin. Pagbukas ng pinto, halos napatalon ako sa pagkakatayo. Isang doctor ang lumabas at nagtungo sa amin.
"Are you the patient's guardian?" the doctor asked. I immediately nodded my head.
"Yes, Doc. I'm his mother," napatango naman siya sa akin.
"All right then, we need to talk privately. There's something serious I have to discuss with you."
Sumunod kami sa kaniya at nang makarating na kami sa loob, nakita ko ang anak kong nakahiga sa hospital bed. Agad akong lumapit sa kaniya at hinaplos siya sa pisngi.
"Doc, what happened to my son?" I worriedly asked. Tinanggal niya ang eyeglasses niya at muling nagsalita. Tila may bakal na humampas sa akin nang marinig ko ang mga sinabi niya. Basta na lang tumulo ang mga luha ko. Parang unti-unti akong pinupunit. Akala ko 'di ko na mararamdaman ang pamilyar na hapding ito, pero ito na naman.
Ang sabi niya ay mababa raw ang hemoglobin at platelets niya at kailangan ng blood transfusion. But sadly, naubusan sila ng stock ng AB negative dahil rare blood type siya. Sa dami ng kaso ng leukemia rito, baka mahirapan daw kami. My son was diagnosed with Acute Lymphoblastic Leukemia. The good news is it is still curable, and they are hoping na makakaya niya at maging stable for chemotherapy.
"Induction treatment takes around 4 weeks. Your child needs to be in the hospital for the first week or two so the nurses and doctors can monitor him closely for any side effects. You can stay with him in the ward. If he is already well enough, you can go home and then just return to the hospital for the last induction treatment in the daycare unit. But please, find a blood donor for him, an AB negative blood. I'm sorry again because for now, we lack that kind of blood type because of the high cases of leukemia," dagdag pa ng doctor.
Sobrang sakit sa akin na malaman ang kalagayan ng anak ko. Sobrang bilis at tila ginulat na lang kami dahil ni hindi naman siya nagrereklamo sa akin. Naalala ko noong ilang buwan na ang nakalipas na masakit daw ang likod niya. Pero nawala din agad and I didn't expect na symptoms na pala 'yon. Ang tanga ko lang talaga because I shouldn't have settled with it. Dapat pina-check-up ko pa rin siya. Kasi noong tinanong ko siya ulit kung sumasakit pa ba, ang sabi niya wala na raw.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomansWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
