CHAPTER 55

60.8K 1.1K 103
                                        

Napatitig lamang siya sa'kin ng tinanong ko siya, agad siyang napayuko at muling nag-angat ng tingin. Bigla nalang napakabog ang dibdib ko.

"Ahm... I-I'm Honey, a-and this is Hannah my daughter."

"I'm Milk, may hinahanap ka ba?"

"I-Is this the house of H-Hazelton?"
Napakunot noo ako sa kaniya at napatitig sa bata. Bakit niya hinahanap si kuya?

"Auh yes, anong kailangan mo sa asawa ko?"
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang sinabi ko 'yon.

"I-I'm sorry may asawa n-na pala siya...Hannah let's go"

"Mommy you said, nandito si daddy? You promise me na makilala ko na siya ngayon"
Sinong daddy na tinutukoy niya?diyos ko si kuya ba?

"Excuse me? Sino'ng daddy mo?"
Magsasalita na sana ang bata ngunit pinigilan niya ito.

"N-No...h-halika na. Alis na kami, pasensya kana"

"Mommy! Who are they po?"
Biglang sulpot ni Milo at natigilan siya at napatitig sa anak ko. Aalis na sana sila ngunit hinawakan ko siya sa braso.

"Bakit mo hinahanap si Hazelton miss? Anong kailangan mo sa kaniya?"
Agad siyang nag-iwas ng tingin at binawi ang braso niya sa'kin.

"He's my daddy" nagulat ako sa sinabi ng bata na nasa tabi niya. Nakita ko ang takot sa mga mata ng ina niya nang tinitigan ko ito.

"Totoo ba miss? Magsalita ka"

"H-Hindi ako pumunta dito para manggulo, I'm sorry, she just want to see her father. Aalis na kami"

"Hindi! I mean teka lang, puwede ba kitang makausap sa loob?"
Nagtaka sya sa inakto ko, dahil narin siguro sa sinabi kong asawa ko si kuya. Sino ba namang asawa na hindi magagalit pagnalamang may anak sa iba ang asawa niya?

"W-Why?"

Tanong niya sa'kin...basta ko nalang siya hinila at nabigla siya sa ginawa ko. Di ko alam ba't naexcite ako sa mga nalaman ko. Sa pagkakaalam ko kasi noon may sekretong relasyon sila ni kuya. Pinaupo ko siya sa couch at nagpahatid ako ng snack kay manang. Si Milo naman ay nakatitig lamang sa batang babae.

"Totoo ba na siya ang ama ng anak mo? How it happened? At bakit ngayon mo lang sinabi 'to?"

"Diba dapat magalit ka, kung sasabihin ko may anak kami ni Hazel? But, nandito kami because she really wanted to see her father...'yon lang talaga"
Napatitig ako sa batang babae,at napangiti ako kasi kahawig talaga siya ni kuya. Di ko alam kung ano magiging reaction no'n pagmalaman niya ito.

"Hi Hannah...I'm your auntie Milk, and this is your cousin Milo, baby si ate Hannah anak ni uncle"

"Really po? Ba't ang laki niya na mommy?"
Napatawa talaga ako sa reaction ni Milo, taka namang napatingin si Honey sa'kin.

"H-Hindi niyo ba siya anak ni Hazelton?" tukoy niya kay Milo.

"Pasensya kana Honey, iba pala nasabi ko kanina...magkapatid kami ni Hazel, anak namin ito ni Lucian"
Mas lalong nadagdagan ang gulat sa mga mata niya nang sabihin ko 'yon.

"L-Lucian Velorca? Are you his wife?"

"Yeah...so bakit ngayon mo lang siya ipinakilala?"

"I'm scared...b-baka kasi di rin siya maniniwala na may anak kami. May DNA test result akong dala na patunay na anak niya si Hannah. Di agad ako nakabalik dito kasi nagkasakit ako when I was in new York. Di ko nga akalain na makasurvive ako sa sakit kong cancer. Di ako manggugulo, matagal ng gusto ni Hannah na makita ang daddy niya. So nakapag-isip ako na its time, they need to see each other"

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon