"GOOD EVENING, did I surprise you?" He smirked, but there was no humor in his voice. Nanginig ang buong katawan ko nang tumayo siya. Bawat yapak niya ay mabibigat kaya halos hindi ko na masabayan ang paghinga ko sa sobrang kaba. Kasama niya rin ang mga kaibigan niya. They are all standing with no emotions in their faces.
The room filled with heavy silence, I could hear his footsteps. Humakbang palayo ang isa kong paa habang ang isa naman ay hindi makagalaw habang nakatingala ako sa kanya. He was wearing black long sleeves and black slacks with a gun on his side. Ang malalapad niyang dibdib ay gumagalaw habang papalapit siya ng papalapit, nanunuot din sa ilong ko ang panglalaki niyang pabango. He looked so clean, yet his presence was dangerous.
Napakapanganib ng mga titig niya sa'kin. The upper button of his long sleeves was open that slightly revealed his firm chest. He combed his messy hair using his long finger as he stopped when he was already just an inch apart away from me. Napaatras ako at handa nang tumakbo nang maramdaman kong may tao pa pala sa likod ko. Muli akong lumayo ngunit sa paglayo ko ay siyang paglapit ko sa kanya.
The demon smirked with his furious eyes, as he tightly held my arm.
"B-Bitawan mo ako!"
He gritted his teeth while his murderous eyes remained staring at me.
"Huwag... P-Please. Huwag niyong saktan si Milk. M-Maawa kayo please," garalgal na pagmamakaawa ni Katkat.
Nakatitig lang sa akin si Lucian, at pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa braso ko. Napaigik at napapikit ako sa sakit. Kasabay ng pagmulat ng mata ko ang siyang tuloy-tuloy na paglaglag ng mga luha ko. I was just so happy a while ago that finally, makakalayo na ako. But look where those hopes brought me, I was back in the arm of this demon once again.
"Eight days is too much, traitor. Inuubos mo talaga ang pasensiya ko! Hali ka na!" nanggigil na bigkas niya bago niya ako hinila. Napapailing ako at pilit na hinihila ang braso ko palayo sa kanya.
"Huwag please, m-maawa ka, ako na lang ang saktan mo!" mas lalo akong naiyak sa sinabi sa akin ni Katkat. He tried to stop Lucian kaya nakaramdam ako ng konsensya.
I don't deserve her. Sobrang buti niyang kaibigan para madamay dito.
"Shut up!" The demon shouted, his voice was like a storm at halos napatalon pa ako sa gulat. He looked at Katkat who's sobbing, her eyes were filled with tears.
"You want to die too huh? Of course, wala akong ititira ni isa man sa inyo. Just wait for your turn." He then turned his look to me.
"And you, ang lakas ng loob mong tumakas!" Dinuro niya ako habang nakaigting ang mga panga niya, kaya kahit natatakot ako ay nanlilisik din ang mata kong tumingin sa kanya.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sumama sa'yo. At ayoko nang makita ang pagmumukha mo!"
Mas lalo siyang nagalit dahil sa sinabi ko. The veins on his neck became palpable. He swallowed hard. His jaw tightened, and I heard the sound of his gritting teeth. Hinigit niya ako ngunit nagulat ako nang bigla na lang akong hinila ni Jacob at tinago sa likod niya, ngunit agad din siyang nahila ng dalawang kaibigan ni Lucian at napasigaw ako nang sinikmuraan nila si Jacob. Kapwa kaming nagwala ni Katkat nang napadaing siya.
"Damn it!"
Mabilis kong binawi ang kamay ko kay Lucian, at tumakbo papunta kay Jacob para takpan siya.
"T-Tama na! Labas sila dito! A-Ako! Ako ang kailangan mo diba? Huwag mo na silang idamay!" I shouted while my tears kept streaming down on my cheeks.
"Milk!" Katkat shouted when Lucian forcefully pulled me away from Jacob.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomantikWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
