"Milo, go to uncle kakain na"
Agad siyang bumaba sa lap ng ama niya at lumapit sakin.
"Daddy, let's go"
Di ako tumingin sa kaniya at dumeretso ako sa kuwarto. Nakalimutan kong sabihin kay Lucard na nandito kami kila mama, dadalawin niya daw kasi si Milo. Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito.
"Anong ginagawa mo dito?"
Masama ko siyang tiningnan, ang lakas ng loob niyang sundan ako dito!
"Milk, mag-usap tayo please"
"Lumayas ka dito! Huwag ka na magpakita sa'kin!"
Nagpumiglas ako nang hinawakan niya ako sa kamay, wala akong ibang nararamdaman sa tuwing kaharap ko siya kundi galit.
"Kahit itulak mo ako ng paulit-ulit Milk hindi ko gagawin 'yang sinasabi mo! Hindi ko ginusto na mangyari ito. I need you and Milo, please ayusin natin ito"
"Ang dali lang sa'yo na sabihin 'yan! Puwes, kung kaya mong magtaksil kaya ko rin!"
"Don't you ever do that Milk! I know I'm wrong. Pero mahal kita. I can't blame you if you really mad at me, but please will you listen to me?"
Ramdam ko ang galit sa boses niya nang sabihin ko 'yon, ngunit nagtitimpi siya.
"Umalis kana"
Yun lang ang sinagot ko at lumabas ng kuwarto. Wala ako sa sarili habang kumakain at buti umalis na siya. Kinabukasan ay binisita kami ni Lucard, tumango lang siya kay kuya dahil wala naman silang alitan kahit na magkaaway ang pamilya nila. My family rather.
"How are you? Why are you here? I heard some rumours about Lu and Veronica? Napanood ko sa news na engaged na raw sila?"
Napaangat ako ng tingin sa kaniya at parang may dumagan na napakabigat na bagay sa dibdib ko nang marinig ko 'yon.
"That desperate woman! Totoo ba? She's pregnant and Lu is the father?"
"Gago 'yang pinsan mo Lucard! Puwes, huwag niyang hintayin na mapuno ako dahil kaya ko ring lumandi kung gugustuhin ko!"
"But, be wise Milk, kinakabaliwan siya ng babaeng 'yon. Malay mo, sinisira niya lang kayo? You know, si Milo ang maaapektuhan dito"
"Umamin na siya na mangyari sa kanila. Napakahayup nila! Nagawa pa nilang ibroadcast 'yon?"
Mas nadagdagan ang galit ko sa mga nalaman ko.
"I just saw it yesterday. Kahit sa news paper ay nakapublish na ito"
Nagpahid ako ng luha at nanginginig ang kamay ko sa tindi ng galit na nararamdaman ko.
"Engaged pala ha? Hintayin nila na makapag file ako ng annulment at malaya na silang magpakasal!"
"Tsk. Milk, huwag kang magpadalus-dalos sa desisyon mo, think first especially your son"
"Pero Lucard. Ayoko na! Nasasaktan ako. Niloko niya ako, mga hayop sila!"
"Shh... tama na. Calm down Milk, tama na"
Napahagulhol ako ng iyak at pati siya ay nasuntok ko ng mahina sa dibdib. Hinayaan niya ako na ilabas ang sakit na nararamdaman ko at mas lalo akong naiyak sa isiping maghihiwalay kami dahil sa kagaguhan niya.
Ang sakit, pero maaayos paba ito? Mas lumalala ang sakit at parang di ko na kaya. Di ko na alam kung papano aaliwin ang sarili ko upang makalimutan ang sugat na dinulot niya. Nang sinabi ni Lucard na isasama niya kami sa bahay niya ay di na ako tumanggi.
Nang papalabas na ang sasakyan niya ay may nakasalubong kaming kotse. At kilala ko 'yon, alam kong sa kaniya 'yon, napakakapal niya talaga!
Buti nga at si kuya ang makakaharap niya doon! Huwag lang syang magkamali na sundan kami dahil talagang pagbabatuhin ko siya sa mismong mukha niya na sobrang kapal! Kumukulo ang dugo ko lalo na nang makita ko mismo sa mga news papers ang pictures nila ni Veronica na magkasama. Hayop siya, 'yon ba ang walang pakialam?
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
Storie d'amoreWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
