CHAPTER 42

46.5K 950 39
                                    

Napainom s'ya ng juice at napapailing. Para talaga s'yang siraulo.

"Hanapin mo na s'ya bago mo pagsisihan ang lahat"
Saglit siyang napatingin sakin at muling tumitig sa basong hawak n'ya.

"You know what Milk? Ikaw lang talaga nakapagsalita ng gago sakin."
Napataas naman ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.

"Am I wrong? Totoo naman ah? napakagago ng lalakeng gagawa gawa ng bata tapos tatakas?!"
Bigla nalang s'ya napatawa sa sinabi ko.

"Di naman ako tumakas ah? Ako panga tinakasan eh. Pero thank you, buti nalang sayo ako nagsumbong kaya nasabihan pa akong gago. But you're right, I have to take my responsibility"

"Dapat lang Lucard, accident man 'yon o hindi. Pero may nabuo, blessings 'yon sayo, matanda kana kaya panahon na"

"I'm just thirty, makatanda ka sakin"

Napatawa nalang ako sa kaniya. He's a good man, at alam kong kaya n'yang alagaan ang magiging pamilya n'ya.

"Nga pala, last time nakausap ko si Hazelton"
Napalingon naman siya agad nang binanggit ko ang pangalan ni Hazel.

"What? Anong kailangan n'ya?"

Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng nangyari n'ong araw na 'yon. At kung ano ang tunay kong pagkatao. Kung sino talaga ako.

"What the? So, you mean he's your father? Damn! Malaking gulo 'yan pagmalaman n'ya Milk"

"Di ako papayag na guguluhin n'ya pa ang magulang ko Lucard!"

"Dinig ko wala s'ya dito, mag-ingat kayo lagi. I know Lu can afford to protect you. Huwag kayong pakampante lalo na't magkaaway sila, di natin alam takbo ng isip n'ya"

Kinabahan ako sa sinabi n'ya. Alam ko kasi kung gaano kasama ang taong 'yon. Ni hindi ko nga siya magawang ituring na ama ko.

Naputol lang ang pag-uusap namin nang tinawag kami ni Milo, napatayo rin kami at lumapit sa kaniya. May nakita daw s'yang uod na caterpillar daw ang tawag ng iba, tinuro n'ya sa amin ito at tuwang-tuwa siya. Pero ako hate ko ang mga ganun.

"Papa, so cute right?"

"Yeah... Milk, cute daw?"

"Ano ba 'yan! Hali kana, huwag na 'yan baby pawis kana o'. Manang, pakibitbit nalang ng tray sa loob salamat"

"Takot mama mo diyan baby" sabat naman ni Lucard nang naglakad kami at nasa gitna namin si Milo na nakahawak sa magkabilang kamay sa amin.

"Why po? Mukhang mabait naman"
Napakunot noo nalang ako sa sinabi ng anak ko. Ba't niya nalaman na mukhang mabait? Habang naglalakad kami papasok ay bigla nalang napasigaw si Milo.

"Daddy!"

Napatingin ako kung saan s'ya tumakbo, ganun nalang ang kaba ko nang makita s'yang madilim ang mukha habang nakatitig kay Lucard.

"Dad, I saw a silkworm right there. Pinuntahan po namin ni mama and papa"

Napatango lang siya kay Milo at parang hinahalungkat ang tiyan ko.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon