CHAPTER 48

64K 1.1K 184
                                        

Agad kaming umalis at dumeretso ng sasakyan, halos lahat ng pares ng mata ay nakasunod sa amin. Napakakapal ng pagmumukha ng babeng 'yon. Isaksak ko pa sa kaniya ang demonyong 'yon! Ako pa talaga ang desperada? Sino kaya ang sumugod doon sa Italy at nagpabuntis?! Ako ba?

Nang makarating kami sa bahay ni kuya ay tumawag si papa at kinakamusta kami. Pero nang sinabi niyang nilalagnat daw si mama ay umuwi kami agad. Ayaw niya kasing magpahospital.
Pagdating sa bahay ay nakahiga siya sa kama.

"Ma, okay kalang ba? Ba't ayaw mong magpahospital?"

"Naku, oa 'yang papa mo, tinatrangkaso lang ako inabala pa kayo"

"Tsk, are you sure you okay ma? Baka kung ano na 'yan" sabat ni kuya na siyang kinatawa niya. Nagawa niya pang matawa kahit masama ang pakiramdam.

"Huwag kayong mag-alala. Kahapon lang medyo mataas yung lagnat ko, ito talagang papa niyo"
Hinipo ko siya sa noo pero normal naman yung init niya. Baka nataranta lang si papa kaya ganun ang reaction niya habang tumatawag. Napauwi tuloy kami ng wala sa oras.

Kinaumagahan ay naabutan ako ni kuya na nakayuko sa lababo. Naduduwal kasi ako pero wala namang may lumalabas.

"Hey, what are you doing? are you okay?"
Napaayos ako ng tayo at napapikit.

"Milk, lagi ka nalang nagkakaganyan, magpacheck up kana sasamahan kita"

"Huwag na kuya, may trabaho ka pa"

"No, works can wait, tara na"

"Ayoko, tinatamad ako"

"What?" nakakunot niyang tanong sakin. Ayoko talagang umalis o lumabas at gusto ko nalang gawin ay ang matulog.

"Pagod ako, inaantok ako"

"What? Kakagising mo lang ah?"

"Di ako masyado nakatulog kagabi. Ano ba 'yang masamang
amoy na 'yan?"
Napakunot ang noo nya at hinanap yung sinasabi ko. Napatakip ako sa ilong ko nang binuksan niya yung kaldereta na nasa mesa.

"Hindi naman mabaho ah? Why are you acting like that?"

"Takpan mo nga 'yan kuya, di ko gusto ang amoy!"
Agad akong naglakad palayo, bakit ba ang dami kong hindi nagugustuhang amoy? Nakasalubong ko naman si manang sa living room.

"Milk, nasa labas ang asawa mo bubuksan ko ba ang pinto?"
Agad na nangunot ang noo ko.

"Manang, huwag niyong hayaang makalabas si Milo" at agad akong naglakad palabas.
Natigilan siya nang makita niya ako, may bitbit sitang bulaklak na tila kakapitas niya lang. Di na talaga maganda ang gising ko dinagdagan niya pa! Ang bilis niya naman makasagip ng balita na nakauwi na kami.

"Hindi ko 'yan kailangan umalis kana! Di pa ako patay para pag-alayan mo ng bulaklak!"

"Laham, I love you...I miss you, kausapin mo na ako"

Sobrang lalim ng mga mata niya at medyo makapal narin ang facial hair niya. Pero demonyo parin ang tingin ko sa kaniya! Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang hawak niyang bulaklak at walang anumang inihampas ito sa mukha niya.

"Di kaba nakakaintindi?! Ayaw kitang makita! Isaksak mo 'yan sa baga mo!"

Sabay bato ko sa kaniya ng tatlong tangkay na rosas. Napatitig siya sakin habang galit ko siyang tinitigan ngunit nabigla nalang ako dahil may maliit na mga sugat na unti-unting lumilitaw sa kabilang pisngi niya, kung saan ko siya hinampas ng rose.

Don ko lang napagtanto na bakas 'yon ng tinik ng rose. Nakaramdam ako ng kakaibang kirot at nakonsensya sa ginawa ko. Muntik ko nang hipuin ang pisngi niya at humingi ng sorry ngunit bigla akong nagising sa katotohanan. Pinigilan ko ang sarili ko at agad na tumalikod sa kaniya, hinabol niya ako ngunit mabilis ko siyang pinagsarhan ng pinto.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon