PAGKAGISING ko sa umaga, agad akong nag-ayos ng sarili para maaga kaming makapagpa-check up ni Milo. Pero mas maganda sana kung hindi na sumama pa ang ama niya.
Nawawalan lang ako ng ganang mabuhay sa mundo kapag nakikita ko siya.
"Mama, bakit sa movie ang Daddy at Mommy nila magkatabi? Then they sleep together in the same room with their son? Bakit ikaw at si Daddy hindi?"
Nagulat ako sa biglang tanong niya habang dinadamitan ko siya. Natigilan ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"Even Papa? Why po Mama? Sino po ang pag-ibig niyo?" Napakunot ang noo ko sa kaniya dahil hindi ko rin alam kung saan niya nalaman ang salitang pag-ibig na 'yon.
"What? Pag-ibig? Saan mo nakuha 'yan?"
"Sa movie. It means your husband po. Because me, when I grow up, I will find my wife too."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Diyos ko! Napatitig na lang ako sa kaniya nang hindi makapaniwala—he's just only four and a half years old pero ang dami na niyang alam tungkol sa mga bagay-bagay.
"Baby, you need to study first before that pag-ibig thingy. What do you want to be when you grow up?"
Napangiti siya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. His eyes were twinkling like the sun met the crystalized water.
"I want to be a father like Daddy! And also like Papa!"
Napamura na lang ako sa isip ko nang marinig ang sagot niya. Anong nangyayari sa anak ko? Pero sa hindi malamang dahilan, humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya.
Paulit-ulit ko siyang hinalikan at pinanggigilan ang pisngi niya. Gumanti pa siya sa akin ng halik kaya kiniliti ko siya.
Natigilan na lang ako bigla nang may nakita akong tao na nakatitig sa aming dalawa. There was a mist of amusement in his eyes while he was staring at us.
"Daddy, come here!" Hindi siya gumalaw at parang nakatulala lang siyang nakatingin sa amin, kaya si Milo na mismo ang lumapit sa kaniya at hinila siya papalapit sa akin.
"Will you kiss Mama just like what I saw in the movie?" Nanlaki ang mata ko at agad akong napatingin sa anak ko nang sinabi niya 'yon.
Nagliyab bigla ang inis sa dibdib ko at agad akong tumayo nang maramdaman ko ang presensya niya.
"Let's go Milo, kumain na tayo. Magpapacheck up ka pa." Nakita ko kung paano nalungkot ang mga mata niya at nasaktan ako sa nakita ko bago ako naunang naglakad palabas ng room.
Naaawa ako sa anak ko dahil tila naghahangad siya ng masayang pamilya.
I have noticed it—he was trying to build a whole family with us.
Hindi ko man lang maibigay 'yon sa kaniya, pero hindi ko naman maaaring pilitin ang lahat, hindi ba?
Hindi ako gusto ng ama niya, at ginamit niya lang ako noon.
I already learned my lesson, lalo na at hindi ko na kaya pang magmahal ulit ng taong pumatay sa magulang ko.
Mas nauna akong naglakad papuntang kitchen dahil ihahanda ko pa ang agahan namin. Saglit akong napatitig sa loob ng fridge para maghanap ng iluluto, kinuha ko ang plastic ng hotdog at tinapay, tsaka ko sinara.
Naglakad na ako patungong dining hall at sinimulan nang magluto.
I fried the hotdog and egg and put them on the table, ngunit natigilan ako nang marinig ko ang usapan nila ni Milo.
"So, can you tell me what's the name of your Papa?" Napakabog ng sobrang lakas ang dibdib ko sa narinig ko. Napatitig lang si Milo sa kaniya at napailing.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomansaWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
