"WALA ito, nakakain ka na ba?" I asked him instead, diverting the topic, but the truth is I am getting paranoid. Paano kung 'yung nakita ko sa airport na nakamasid sa kanya ay isa sa mga tauhan niya? O kung alam na niya ngayon kung nasaan kami at naghahanap na lang ng tiyempo?
Lucian is such a wicked man—mahirap siyang maisahan, lalong-lalo na ngayon at 'yung totoong pangalan ko ang gamit ko.
"Actually, hindi pa. Nagmadali kasi akong pumunta dahil gabi na. Ikaw?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya—gabi na pala.
Umiling ako, "hindi pa."
"Let's go then, kanina pa ba siya nakatulog?"
I nodded my head. "Oo, sumasakit nga daw kanina ang tuhod niya."
He sighed heavily. "Tsk, that's not good. By tomorrow we need to bring him to the hospital again para masalinan na siya ng dugo, and he needs to continue the chemotherapy."
Napatango ako sa kaniya. "Oo nga, sana ako na lang," malungkot kong sabi kaya napatingin siya sa sinabi ko.
"I understand you as a mother. Lahat naman ng ina, 'yan ang sinasabi. But I know he will survive this. He's a strong and brave one—like you."
Malungkot akong ngumiti sa kaniya, dahil ang totoo, nakikita ko 'yon sa anak ko. Lumalaban siya. My son wants to live, and I'd do everything just for him to survive.
It just saddened me that he needed to suffer like that at a young age. The moment he was born, I always promised that I would protect him. But this happened—and I really hate the idea that someone needs to suffer a lot before calling them brave and strong.
Aren't we already tough, living the slog of life almost every day?
Lumabas kami ng silid at sabay kaming kumain. After naming mag-dinner, ay naglagay ako ng pagkain sa tray para kay Milo. Sakto namang kakagising niya pa lang nang bumalik ako sa silid niya.
Kinakausap siya ni Lucard habang sinusubuan ko ang anak ko.
Pagkatapos niyang kumain ay 'di ko na muna siya pinahiga. I used to read him a story before he sleeps, and sang a lullaby song.
Natapos ko ang dalawang kanta at nakatulog na siya. Nakahiga din si Lucard sa tabi niya. Napalingon ako sa kaniya at nakapikit na rin siya.
Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya para palipatin sa kabilang silid o hindi na, lalo na at alam kong kahit siya ay pagod din. Napahiga na lang din ako at napayakap sa anak ko.
"Milk, can I sleep here?" Nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita pero mababa ang tono ng boses niya.
"Okay lang, matulog ka na diyan. I know you're tired too..."
Allowing him to sleep with us is nothing compared to what he's done for us.
"Thank you. Goodnight, Milk..." There's a small smile that drew on his lips.
"Goodnight din."
Naramdaman kong niyakap niya si Milo pero nagulat ako dahil pati ako ay nadamay.
Napagitnaan kasi namin ang anak ko. Sinilip ko siya pero nakapikit na siya. Napatitig na lang ako sa kisame.
Hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip ko. Sobrang gulo at 'di ko kayang isa-isahin.
Mas gugustuhin kong huwag nang bumalik pa rito, pero anong klaseng ina ako kapag ginawa ko 'yon?
Buhay niya na ang nakasalalay, kaya kahit mahirap para sa'kin, ay buong tapang kong nilupig ang lahat ng kaba at alinlangan ko.
Maaga akong gumising dahil hindi na ako makatulog ulit. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko—kinakabahan ako at palaging nag-aalala simula nang dumating kami rito sa Pilipinas.
Napatitig na lang ako sa anak ko at kay Lucard na tulog na tulog.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomansaWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
