CHAPTER 58

61.8K 1K 19
                                        

Martes ngayong araw at tinatamad ako kumilos, akala nga ni Lucian may nararamdaman akong kakaiba. Sadyang tinatamad lang talaga ako, kanina pa nakaalis si Milo pero siya nandito parin.

"Laham pumasok kana...okay lang ako, gusto ko lang matulog dahil tinatamad ako gumalaw ngayon"

"Are you sure, you okay wife?"
Napatango ako sa kaniya. Nagdadalawang isip kasi siyang umalis at kanina ko pa siya tinataboy kasi alam kong may mga meetings siya ngayong araw.

"Oo nga, sige na...bye"

"Tsk...fine I'm going, bye my Milk take care, I love you"

"Ikaw din Laham, I love you too"

"I love you more my wife" di talaga siya papatalo. Hinalikan niya ako sa lips ngunit muli niyang inulit hanggang sa nauwi sa malalim na halikan.
Napahingal kaming dalawa nang pinakawalan niya yung mga labi ko. Ngumiti ako sa kaniya at nakatitig lamang siya sakin.

"Just call me if you need something, do you understand Laham?"

"Opo, sige na bye na...ingat ka"
Nagwave ako sa kaniya nang makalabas siya ng room namin, tinatamad akong ihatid siya sa labas. Humiga na ako at natulog.
Nagising ako nang maramdaman kong medyo mahaba na yung tulog ko. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto.

Dumeretso ako sa kitchen at hinanap si manang. Dumating naman yung isang kasambahay.

"Umalis si Edna ma'am nag-grocery, gusto mo bang kumain?"

"Ganun ba. Sige lang manang mamaya na di pa ako nagugutom"

"O, sige sa taas lang ako lilinisan ko yung mga silid doon"

"Ah sige po" sagot ko tsaka siya umalis. Naglakad ako papuntang living room at nanood ako ng TV. Wala akong may maintindihan at di ko alam ang gusto kong gawin. Pinatay ko nalang at naglakad papunta sa mini sala dahil naiihi ako.

Gusto kong kumain ng balot ngayon, lumabas na ako ng banyo at naglakad pabalik ng living room natigilan ako nang may nakita akong babaeng nakatalikod habang nakaupo sa couch at nanonood siya ng TV.

Kinabahan ako bigla nang makilala yung kulay ng buhok niya. Nakompirma ko ito nang tumayo siya at humarap sa'kin na may mga ngiti sa labi.

"Anong ginagawa mo dito?! Paano ka nakapasok?"

"It's not a problem bitch! How are you? Oh, I didn't know that you're pregnant too?"

"Lumabas ka dito Veronica! Puwede kitang kasuhan ng trespassing!"

"Really? Magagawa mo pa kaya 'yon pagkatapos kitang patayin?"
Napaatras ako dahil may bitbit siyang kutsilyo.
Napatakbo ako dahil papalapit siya sakin, nataranta ako dahil para siyang baliw na nakangisi sa'kin. Nakarating kami sa mini sala at napasigaw ako kay manang.

"Ibaba mo 'yan Veronica! Anong gagawin mo?!"

"Dapat ka ng mawala na malandi ka!"

Nag-agawan kaming dalawa at naitulak ko siya at nabitawan niya yung kutsilyo. Ngunit nagulat ako dahil nakatama siya sa malaking coffee table at mismong tiyan niya ang nakatama doon.

"V-Veronica! Di ko s-sinasadya"
Nakonsensya ako dahil buntis siya, napaiyak na ako ngunit napatayo nalang siya bigla na tila di man lang nasaktan kaya napaatras ako ng akmang tutulungan ko siya.

Nanlaki ang mga mata ko kung papaano niya sinira ang malaking bulto sa tiyan niya, di ako makapaniwala na isang artificial belly lang pala ito upang magmukha siyang buntis.

"Walanghiya ka! Niloko mo si Lucian! Hayop ka Veronica! Sinira mo lang kami!"
Narinig ko ang pagtawa niya at muling napatingin sa'kin.

"Oo! I fooled you both. At talagang sisirain ko kayo hanggang sa empiyerno! Di ka mapatay-patay kahit ginawa ko na ang lahat! Pasalamat ka at nagawa kang hilahin ni Lucian nang tinulak ng tauhan ko ang stocks na 'yon sa grocery store. At nagawa ka parin niyang iligtas nang sasagasaan kita! But for now? I will make sure, di ka niya maaabutan ng buhay!"

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon