CHAPTER 34

112K 2.1K 390
                                        


Pagkatapos ng mangyari 'yon ay hinanap ko siya ngunit hindi ko na siya nakita pa. Nagpunta na rin ako sa mansion niya pero hindi raw siya umuuwi doon. Nasaan na kaya siya? Ang tanga ko lang sa puntong kung kailan siya lumayo, tsaka ko naman siya hinahanap-hanap. Parang may kamay na pumipiga sa puso ko tuwing naaalala ko kung paano ko siya ipagtulakan— ngayon ay dalawang araw na siyang hindi umuuwi dito. Sabi niya sa'kin kahit anong mangyari, hindi niya ako susukuan, pero bakit parang sinukuan na niya ako? Napagod na ba siya?

Para akong tangang natutulala at nagaantay sa pagbabalik niya. Kung dati ay naiinis ako sa bawat pagsunod niya sa galaw ko, ngayon naman ay hinahanap ko iyon. Tama nga sila, you only realize the value of their presence during their absence.

Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sa huli naming pag-uusap alam kong nasaktan ko siya, kaya siguro malabo na hindi na siya babalik dahil iniisip niyang wala na siyang pag-asa. Pero gano'n na lang ba? You'll give up just because you thought you no longer have a chance? Nanghihina ako papasok ng bahay. Wala si Milo, nasa bahay ni Lucard kasama sina Mama at Papa. Niyayaya nila ako, pero tumanggi ako dahil nagbabakasakali pa rin ako na biglang pumunta si Lucian dito. I want to talk to him... badly.

Kukuha lang ako ng damit ni Milo at mamaya ihahatid ko iyon sa kanila. Napagod ako at parang wala na akong lakas na pumunta sa itaas. Pagod na ang isip ko kakaisip sa kaniya, napapagod na rin ang puso ko kakaasa na babalik pa siya.

Pumasok ako ng kwarto, nilock ko ang pinto, napatitig ako sa doorknob at napapikit. Napabuntong-hininga ako ngunit natuod ako sa kinatatayuan ko nang may taong tumayo mula sa kama. My heart is beating fast while I am staring at him. He is here! Lucian is here.

Malamlam ang mata niya, ngunit bakas ang lungkot nito. Maganda ang kulay ng mata niya ngunit para itong walang buhay... where is the justice when he is already heartbroken but still handsome?

Teka, paano siya nakapasok? Dumaan ba siya sa likod? But why? Is he trying to avoid me? Another pain crept in my heart with that thought, but I know I can't blame him.

"Nandito lang ako dahil gusto kong magpaalam kay Milo. Don't worry, hindi ako manggugulo. Where is he? Can I talk to him?" Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, pero pakiramdam ko ibang tao siya. He is naturally cold, but you know the coldness that gives you tingling pain? That's what I am feeling right now.

"B-Bakit?" nahihirapang tanong ko, parang may nakabara sa lalamunan ko habang nakatingin ako sa kanya.

"I just want to talk to him before leaving. Please, take care of my son." Napakunot ang noo ko at unti-unti kong naramdaman ang biglang pagsidhi ng sakit na nararamdaman ko.

Aalis siya? Tuluyan na ba niya akong pinapalaya? Iyon ang gusto ko, hindi ba? Pero hindi— hindi iyon ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako sa isipin pa lang na aalis siya at hindi na niya ako babalikan.

"I'm leaving, I won't bother you anymore. If this is what you want, then I'll give this to you. I'm s-sorry for everything, I am now setting you free."

Sa bawat pagtibok ng puso ko ay may kasabay na hapdi at kakaibang sakit. Hindi ko siya pinansin, tumalikod ako, naglakad papuntang closet. Pinipigilan kong umiyak habang naghahanap ng damit ni Milo. Gusto kong ipagsawalang-bahala ang sinabi niya kahit may parte sa akin na kastigo sa pag-alis niya.

"W-Wala siya dito, nasa bahay ni Lucard. Ako na ang magsasabi sa k-kaniya."

Mabilis kong binuksan ang bag ko. Hindi ko nagawang ayusin ang mga damit dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nanginginig ang kamay ko, at alam kong nakikita niya ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Gusto ko siyang pigilan, pero hindi ko alam kung paano.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon