CHAPTER 30

105K 1.9K 146
                                        


NAPATIGIL ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Nabigla pa ako nang makita ko kung sino ang caller ID. Hindi ako makapaniwala, at mabilis ko itong sinagot.

"Milk? Hey, Milk! How are you? Are you okay? Nasaan ka? Okay lang ba kayo ni Milo?"

"L-Lucard—" I wasn't able to continue speaking because my tears immediately failed me. Hindi ako makapagsalita at tanging singhot ko lang at hikbi ang lumalabas sa mga labi ko. I can't believe that Lucard is still alive.

"M-Milk? Damn, what happened? Please tell me, please, nasaan ka?" Hindi pa rin ako nakasagot, walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"Pupunta ako diyan! Wait for me." Gusto ko siyang pigilan ngunit huli na nang ibinaba niya ang tawag.
Paano siya nakatawag? Nakawala ba siya doon? Hindi ba pinahirapan siya ng mga demonyong kaibigan ng gagong 'yon?

But I felt relief knowing that he is okay, but I don't know what I will do if he would go here—baka maabutan siya ni Lucian at patayin na talaga siya ng tuluyan.

Mas binilisan ko na lang ang pag-aayos at nagpalit na muna ako ng damit, ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang may sigaw akong narinig mula sa labas.

"Manang, dito muna kayo ni Milo, huwag kayong lumabas kahit anong mangyari," bilin ko sa katulong.

"Y-Yes, Ma'am." Mabilis akong lumabas ng kuwarto at nagulat ako nang makita si Lucard. May mga pasa pa rin siya. Mabilis siyang lumapit sa 'kin nang makita niya ako. Mabilis akong gumanti ng yakap sa kanya.

"What happened? Tell me, anong ginawa niya sa 'yo?! Please, tell me!"

"L-Lucard, ilayo m-mo na kami dito, p-please. Umalis na tayo," garalgal kong sabi. Lumakas lalo ang hikbi ko nang tanungin niya ulit ako kung anong ginawa ng pinsan niya sa 'kin.

"Damn! Anong ginawa niya sa 'yo, Milk?" Napailing ako sa kanya ngunit iyak lang ako ng iyak. Bigla na lang kami napatigil nang may narinig kaming sunod-sunod na palakpak.

"What a perfect scenery. Romeo and Juliet, huh?"

My heartbeat instantly tripled when I saw Lucian standing in front of us, as his expression instantly changed while he was staring at us. His gloomy eyes were covered with anger toward Lucard.

"Ang lakas ng loob mong sumugod dito! Get out of my house, asshole! Get out!"
Lucian's voice was like a thunderstorm. His vein was showing on his neck when he shouted.
Lucard smirked and nodded his head subtly.

"Yeah, I will! Pero isasama ko si Milk at Milo!"

"Damn you! Do you think I will let you do that?! Fucking no!"

I screamed when Lucian instantly punched Lucard hard on the face, making him fall on the floor, but he immediately stood up and punched Lucian back.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nang nagsuntukan silang dalawa. Pati ang mga tao sa loob ng bahay ay nataranta.

"You're a son of a bitch! Traidor ka! Of all the people, why am I the one you betrayed?!"

"Kung hindi ka gago, hindi ko ginawa 'yon!" He was about to punch Lucard in the stomach, but I shouted loud—so loud that it made them halt.

"Tama na! Itigil niyo na 'to! Tama na!"

Umiiyak kong sigaw, dahil walang may nangahas na pigilan sila—kahit ang mga tauhan at bodyguards niya ay hindi man lang kumilos.

Ngayon ay nagkukuwelyuhan na silang dalawa at galit na nagkakatitigan. Their breath was heavy and rigid.

"Wala akong ginawa kundi alagaan ang mag-ina mo, gago! Remember that we carry the same surname. I am a Velorca too and I can be a devil whenever I want—nasa dugo natin 'yon, 'di ba?! Don't push me to my limit because I'll surely make you taste what real hell is! Sumosobra ka na! Milk is right. You don't deserve them! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, isasama ko sila!"

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon