CHAPTER 4

135K 2.6K 155
                                        

                   NABABAGOT na ako sa loob ng silid na ito, para akong mababaliw sa tinding lungkot. It feels like my life has been running in the same circles. This is so depressing! Kakain, mahihiga, at matutulog. Maybe some people love that kind of idea— the idea of not doing anything— but for me? I will never trade my freedom just to have this kind of life.

Everyone needs freedom, like a bird that wants to explore the world. A flower that is free to bloom in grasses— and I need that too. Kailangan kong makalabas dahil hindi pwedeng dito na lang ako habang buhay, na ganito na lang ako habang buhay. I deserve to experience what real life is. I'd rather choose a life in which I struggle to find money than have everything I need yet feel so empty inside. It feels like I'm stuck here, and I was never a princess stuck in a tower waiting for someone to save me— more like a prisoner wanting to be free from chains.

Every day goes by, and I do nothing but wish to escape from him, from them, from this house. Kaso mahigit isang buwan na ang nakalipas pero wala man lang nangyayari. I am no longer hoping for Hazelton to help me, because I am very sure he is more than willing to save himself. Kung alam ko lang na ganito ang magiging kahinatnan ko dito, sana pala hindi na lang ako lumuwas ng Maynila.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo dahil nababagot na ako sa loob ng silid ko. Pakiramdam ko, konti na lang mababaliw na ako. I want to go outside and breathe some fresh air to release my unsaid thoughts. Kahit sa sariwang hangin man lang ay maranasan kong malaya ako.

Iginaya ko ang mga paa ko pababa ng hagdan at nang makarating ako sa baba, katahimikan ang bumungad sa akin. Walang tao sa sala, tanging paghinga ko at mga yapak ng aking paa ang naririnig. Walang masyadong bantay sa loob ng bahay, ngunit alam kong sa bawat sulok ay laging may nakamasid.

Tahimik akong dumiretso papuntang kusina para doon dumaan papuntang garden, ngunit saktong pagkarating ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Natigilan ako at napapikit ng mata nang biglang naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko.

Napahawak ako sa lamesa dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko— nahihilo ako at nasusuka. Dahan-dahan akong naglakad patungong lababo at tinakpan ang bibig ko dahil parang may lalabas. Hindi nga ako nagkamali, dahil kaagad akong dumuwal. Sobrang pait ng pinaghalong tubig at hindi pa natunaw na pagkain ang lumabas sa bibig ko.

Nanghihina akong naghanap ng baso at pitcher dahil gusto kong magmumog, ngunit napatakbo ulit ako sa lababo at naduwal. Nangingilid ang luha sa mata ko, at parang bumabaliktad ang sikmura ko. Paulit-ulit akong dumuduwal kahit wala nang lumalabas.

Nang mahimasmasan ako ay tumayo ako ng tuwid, ngunit parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko siya sa tabi ko—seryosong nakatitig sa akin ngunit may kislap ng pag-aalala sa mga mata niya.

"Hey, are you okay? You look pale. Okay ka lang ba?" Parang nalulon ko ang dila ko sa tanong niya. Tinitigan ko siya ng mabuti, kasi alam kong kahit kailan hindi magiging kalmado ang boses niya kapag kausap ako. His voiced doesn't sound cold and it doesn't affects me. Mabilis kong tinaboy ang ispin iyon.

"Sit. Come here. What do you feel?" Malamyos ang boses niya, at malambing. May nunal din siya sa kabilang pisngi, which made me figure out he wasn't the demon I know—magkakahawig lang sila.

Tinulungan niya akong makaupo at tumitig ulit siya sa akin, nag iwas ako ng tingin dahil nahihiya ako sa paraan ng pag-titig niya. He was trying to remember me, more like scrutinizing me.

"I'm sorry, malamang nagtataka ka. By the way, I'm Lucard. I'm Lucian's cousin. I'm here to visit him kasi kakarating ko lang from the States. Anyway, what's your name?"

"A-Ako si Milk," mahinang bulong ko. Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"What a cute name. Ah, Milk, what happened to you earlier? Bakit namumutla ka?" he asked me. His voice was laced with pure care. Naging malikot ang mata ko dahil nahihiya ako sa kanya.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon