Masochist ba ang tawag sa'kin? Pero nagmamahal lang ako, di ako nagsisisi na ipinaglaban ko ang asawa ko, kahit na nakagawa siya ng malaking kasalanan sa'kin.
Tinatago ko ang sakit na 'yon dahil ayokong mag-alala siya sa'kin. Pero may pagkakataon talagang bigla nalang ako napapaiyak, dala narin siguro ng pagbubuntis ko.
Kaya nga halos araw-araw ay hinahanap ko siya, gusto ko lagi ko siyang nakikita at naaamoy. Kaya nga minsan bigla-bigla nalang ako napapasugod sa office niya.
Pinayagan na kami ni papa na umuwi, at dahil sa malapit ang townhouse sa school ni Milo at dito kami dumeretso. Noong una ayaw niya, kasi gusto niya bumalik kami ng mansion. Pero sabi ko dito na muna kami.
Binigay na kasi ito ni Lucard sa'min as gift na raw, at gusto ko dito ay di na ako nagpatumpik pa. Ito namang suplado kong asawa ay di parin nagbabago, na kahit okay na sila ni Lucard ay nainis siya dahil tuwang-tuwa ako no'ng binigay ng pinsan niya yung bahay.
Kung sino-sino nalang pinagseselosan niya. Sa ngayon ay nag-aaral na si Milo as nursery, 8AM start ng class nila and mag-e-end ng 11AM.
Sumasabay siya sa daddy niya sa umaga kasama yung yaya niya, pero di ko maiwasang puntahan siya sa school, dahil gusto kong makita ang anak ko na nag-aaral na.
Feel na feel niya talaga mag-aral at lagi siya nagkukwento sa'kin kahit alam ko na. Sinusundo ko rin siya pagdi ako nakasama, kasi madalas akong atakihin ng kung ano-anong weird na pakiramdam.
"Baby come here, suot mo na ito"
Napatakbo siya sa'kin at pinasuot ko yung blazer ng uniform niya.
"Thank you mommy"
"You're welcome baby...hmn, bango, pahalik nga sa guwapong baby ko"
Napahagikhik siya dahil kiniliti ko siya pagkatapos halikan sa pisngi. Natigilan lang kami kasi yung daddy niya nakapila din sa likod niya...napatayo ako at kinuha yung necktie niya.
Humawak siya sa magkabilang bewang ko habang tinatali ko yung necktie. Nakatitig lang siya sa'kin at mabilis akong hinalikan sa labi pagkatapos.
"Thank you Laham, let's go?"
"Tara, baby hali kana" sagot ko ngunit natigilan ako nang nakatingin si Lucian sa'kin habang nakakunot ang noo.
"What? Aalis ka while wearing that dress?"
Napatingin naman ako sa suot ko.
"Bakit Laham? Panget ba?"
"No! But change that one, so daring"
"Anong daring dito Laham?"
Taka kong tanong kasi di naman talaga, wala naman kahit anong design para magmukha itong daring.
"Look at yourself in the mirror wife. It's fitted to your body, I don't like it if there's someone who's staring your butt!"
Napalingon ako sa salamin...di pa nga kasi halatang buntis ako, eh at least di lumalabas yung puwetan ko! Tinaasan ko siya ng kilay ko ngunit bigla nalang siya naglakad papunta ng closet at nanghalungkat ng damit...jusmeyo!
"Laham, huwag na, malilate kalang at si Milo!"
"No! Change your dress, huwag mong hintayin na ako ang maghuhubad sa'yo Laham"
Napairap ako sa kawalan at pumasok ng banyo, lumabas na ako pagkatapos at agad na hinawakan niya ang kamay ko.
"That's right...you look more beautiful Laham"
"Binola mo pa ako" sagot ko habang naglalakad kami palabas ng kuwarto.
"No, I'm telling the truth wife"
Hanggang sa nakarating kami kung saan naghihintay ang anak namin kasama ang yaya niya. Dalawa lang din ang kinuha naming katulong kasi di naman kasing laki ng mansion yung bahay.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomanceWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
