NANG makarating kami sa mall ay dumiretso kami sa playhouse ngunit nararamdaman ko talaga na may nakasunod sa amin, pero kapag lumilingon ako, wala naman akong nakikita. I am not naïve to not know that he is just here, around us. He is just good in hiding, trabaho niya iyan e. Kapag nagpakita lang talaga siya sa akin, babatuhin ko na siya ng sapatos sa mukha para mapahiya siya sa maraming tao!
Akala ko naman naiintindihan niya ako na gusto ko munang umalis sa poder niya, tapos ngayon naman sa poder ko siya tatambay.
Maghapon kami dito sa mall, at hinahayaan ko lang ang anak kong subukan lahat ng laro niya sa Game Zone. Muntik na kaming magtalunan ni Lucard kanina dahil lahat na lang ng ituturo ng pamangkin niya, binibili niya.
When Milo said he wanted a car, Lucard gave him a toy car, but Milo shook his head and said he wanted a real one—at handa pa si Lucard! Doon ko na talaga ako hindi pumayag at pinigod ang tenga niya.
Ayokong lumaking spoiled ang anak ko. Gusto ko pa ring matutunan ng anak ko ang halaga ng pera—na hindi lahat ng gusto mo ay basta na lang ibinibigay o hinihingi. Kailangan mo muna iyong paghirapan.
Naintindihan naman iyon ni Lucian nang ipaliwanag ko.
Dito na rin kami nag-dinner, at pag-uwi ay agad na nakatulog si Milo sa kandungan ko, pero si Lucard ang nagbuhat sa kaniya papasok sa kwarto.
"Can I sleep here?" tanong sa akin ni Lucard nang mailapag niya si Milo. He covered his mouth when he suddenly yawned, kaya mabilis akong napatango dahil alam kong pagod siya ngayong araw, lalo na at minsan-minsan ay siya ang nagbubuhat at naghahabol kay Milo.
"Okay lang, hindi ka na magbibihis?" I asked him because I noticed that he is still wearing his office uniform. He was wearing short sleeves and black slacks. Tinanggal niya iyong itim na sapatos niya at medyas bago iyon itinabi sa gilid ng kama.
"Hindi na, hindi naman ako papasok bukas. Gusto mo bang umuwi muna tayo sa bahay ko bukas?"
My lips instantly formed a smile, "Sige, matutuwa 'yan pag sinabi ko."
Ngumiti siya sa akin at iniwan ko muna siya para mag-ayos ng sarili bago matulog. Ngunit paglabas ko ng banyo ay ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Lucard na kinukwelyuhan ni Lucian at agad niya itong tinulak nang makita niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?! Pwede ba lumabas ka," mahinang singhal ko sa kaniya dahil tulog ang anak ko. Bwisit talaga itong demonyong ito, kung saan-saan na lang naghahanap ng gulo.
He sneered when he saw Lucard scoff. "Damn you! Lumabas ka rin, gago!" mahina ngunit malalim na bigkas niya.
"Ikaw lang ang pinapalabas, huwag kang mangingdamay." He teased, kaya bago pa sila magkainitan ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa.
"Ano bang problema mo, Lucian? Baka nakalimutan mong pamamahay ko ito!" balik na sumbat ko sa kaniya at pinaningkitan ko siya ng mata.
Nagtatagis ang bagang niya kakatingin kay Lucard at hindi niya pinansin ang sinabi ko. If looks can kill, probably Lucard is now lying dead shot on the floor.
"So what? Ano naman ngayon kung pag-aari mo ang bahay na 'to, anak naman natin itong nasa loob ng kwarto." He responded and frowned.
I massaged my forehead, puro stress talaga ang binibigay sa akin ng demonyong ito. Napatingin si Lucard sa akin at nagkibit-balikat. Nagulat pa ako nang biglang naglakad si Lucian at humiga siya sa tabi ni Milo. Mabilis akong lumapit sa kanya at pwersang kinuha ang unan sa uluhan niya.
"Lumabas ka dito! Hindi mo ba ako narinig?!" inis ko siyang hinampas ng unan pero tinalikuran niya lang ako. He lay next comfortably with Milo, snuggling on his back.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomanceWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
