Agad niya akong inalalayan papasok ng kotse niya...puno parin ako ng kaba, at buti nalang pala di namin isinama si Milo. Pagdating ng bahay ay pinainom niya agad ako ng tubig.
"Wife are you okay? Tell me, may masakit ba sa'yo Laham?"
Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Agad akong umiling sa kaniya at muli akong napayakap sa kaniya.
"Don't be scared my Milk, they can't touched you again. Magbabayad ang taong may pakana ng lahat ng 'yon!"
Sakto namang sumulpot si Milo at nakiyakap din sa'min kahit wala alam sa mga nagyari, kaya niyakap ko rin siya. Di ko kakayanin kung ang anak ko ang mapapahamak, kaya pala nagdalawang isip ako kanina na isama siya. At buti nalang nagpasya si Lucian na iwan nalang talaga siya.
At sino ang may pakana ng lahat ng 'yon? Kalaban ba ni Lucian sa business? Sino? Napakunot noo ako ng maalala ko si Veronica, pero di pa ako nakapagsalita ay bigla nalang tumunog yung phone ko.
Pagtingin ko ay si kuya...sinagot ko naman ito.
"Kuya? Bakit?"
"Milk...can you go here? At St. Luke hospital"
"Ha? A-Anong nangyari kuya? Napano k-ka?"
Napatitig si Lucian sa'kin ng mataranta ako.
"No it's not me...its dad Milk, I'm sorry but, gusto ka niyang makita pati si Milo. Pwede ba?"
Napatulala ako at hindi ko alam kung pupunta ba ako.
"Please Milk, he just want to talk to you...he wants to see his grandson"
"B-Bakit anong nangyari sa k-kaniya kuya?"
"May heart failure siya, inatake siya last day, but he's begging to see you Milk"
"P-Pupunta ako kuya..."
"Thank you sis. I owe you a lot"
Napatingin ako kay Lucian na nakatitig sa'kin nang pinatay ko ang tawag.
"Laham, kailangan kong pumunta ng hospital"
"And why? "
At sinabi ko sa kaniya ang dahilan...una ayaw niya ako payagan, pero napatitig ulit siya sa'kin at bigla nalang ako hinawakan sa kamay.
"Tsk! Let's go Laham. I'll go with you"
"Salamat Laham...baby hali kana"
"Why mommy? Where are we going po?"
"Pupunta tayo sa hospital...nandoon si uncle Hazelton"
"What happened to him mommy?"
"Mamaya na baby ha? Pasok na"
Agad kaming sumakay ng kotse at pagdating ng hospital ay sinundo kami ni kuya sa labas. Dumeretso kami sa kung saang room siya.
Papasok na kami ng pinigilan ako ni Lucian sa kamay.
"Go ahead Laham, dito nalang ako sa labas"
"S-Sure ka?"
"Yeah...talk to him"
Napatitig ako sa kaniya at yumakap bago pumasok, hinawakan ko ang kamay ni Milo at di ko alam nararamdaman ko ng papalapit kami sa hospital bed kung saan siya nakahiga. Agad siyang napatingin sa'min ng anak ko nang makita kami.
"Thank you for coming my daughter...is he my grandson? What's his name?"
"H-He's Milo" sagot ko at nakita kong napangiti siya sa anak ko. Parang may kirot akong naramdaman nang makita ko ang lungkot sa mga ngiti niya.
"B-Baby, he's your grandpa..."
"Hello po grandpa" at nagbless si Milo sa kaniya.
Nakaupo lang ako sa gilid nang silang dalawa nalang ni Milo ang nag-uusap, makailang ulit siyang napapatawa kasi sobrang daldal ng anak ko sa kaniya. At ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng totoo. Ramdam ko ring medyo mahina siya.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomantikWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
