CHAPTER 7

124K 2.3K 87
                                        

                       MAHIGIT isang linggo na kami dito sa bahay nila Katkat, at sa loob ng mga lumipas na araw, lagi akong balisa, nakatulala, at minsan bigla na lang umiiyak. Sobrang nasaktan ako nang matuklasang nagdadalang-tao ako, bunga ng katangahang nagawa ko. Kahit alam kong ginagamit niya lang ako, ay nagpatangay pa rin ako sa kaniya at hanggang ngayon, ang takot at kaba ay nandito pa rin sa dibdib ko.

Dahil sa mga ibang records ko tungkol sa pangalang dinadala ko na Eiza Sevilla noon, ay nahirapan akong makaalis sa lugar na ito. Lahat kasi ng gamit ko bilang Milk Sevilla ay nandoon kay Hazelton, at siguradong pagdududahan ako oras na ibang mukha ang makita sa ID ko. Iba ang itsura ko doon dahil sa hyperrealistic mask na ginamit ko, kaya natagalan kami sa pag-alis dahil ginawan pa ng paraan nina Katkat at Jacob para mapalitan ang ibang documents ko.

Pero ang kinakatakutan ko, baka madali niya akong mahanap. Knowing him, I know that he has a lot of connections everywhere. Kaya kahit malayo na ako sa kaniya, I felt like he can still see me— that he's just around watching me.

I hate this— that he is making me feel paranoid. Hindi ko nga rin alam kung bakit sobrang kinakabahan ako ngayon. Siguro dahil alam kong hindi malayong mahuli niya ulit ako, but this time— kamatayan ko na ang susundo sa 'kin.

Bakit kasi ganito pa ang nangyayari?

I already accepted the fact that I am pregnant, and I could feel that there's truly a baby growing in my womb. Pag tinitigan ko sa salamin nang malapitan, ay alam kong iba na sa dati kong tiyan ang meron ako ngayon. Hindi pa naman ganoon kalaki ang tiyan ko, ngunit may maliit na itong umbok.

Minsan na akong nagplanong ipalaglag ito, dahil naguguluhan na ako, lalo na't wala pa talaga akong malinaw na plano. Nababalot din ako ng takot dahil siya ang ama ng batang dinadala ko, at kapag nalaman niya ang tungkol sa kalagayan ko, ay ilalayo niya lang ang anak ko sa 'kin. But I realized that no matter who the father of my baby is, this is still mine. Sa akin pa rin siya, anak ko pa rin siya. I never wanted to have him, I never planned to have him, but I knew he exists for a reason.

Mabilis kong pinahid ang mga luhang naglandas sa mga mata ko. Makalayo lang ako ng tuluyan dito, pinapangako ko na hinding-hindi na ako babalik sa impyernong ito. I would live a peaceful life for my baby, and far from him, from them.

I held my stomach and tried not to cry. Katkat said that crying too much is bad for the baby. It can affect my child, but in my situation right now— hindi ko maiwasang maging malungkot, lalo na't hanggang ngayon hindi ako sigurado kung tuluyan na akong nakatakas.

"Milk, 'di ba sabi ko huwag ka nang umiyak?" Yumakap siya sa 'kin mula sa likod, hindi ko alam na pinapanood niya pala ako.

"K-Kat, hindi ko maiwasan. N-Natatakot parin kasi ako, I don't know what life ahead us." she tightened her hugs to me.

"Shh... Enough na kasi hindi ka na matatakot pa, sa sasabihin ko. Smile ka muna."

Napatitig naman ako sa kaniya nang binaklas niya ang mga kamay niya sa katawan ko. Ngumiti siya sa akin. Napatingin din ako sa taong sumulpot sa pinto—si Jacob na nakangiti rin. I creased my forehead.

"A-Ano ba 'yan? Ba't kayo nakangiti?"

"Milk, my God! Makakauwi ka na. Nagawan na namin ng paraan! And guess what?" Mas nilawakan niya pa ang ngiti niya nang may inangat si Jacob sa ere. "Milk, surprise! Makakaalis na tayo bukas!"

Nanlaki ang mata ko at napatayo mula sa kama. Grabe ang sayang naramdaman ko, at halos gusto kong tumalon sa tuwa. Napayakap ako kay Katkat at sumali na rin si Jacob.

"Sabing huwag nang umiyak eh! Makikita mo na parents mo, tama na 'yan." Hinagod ni Katkat ang likod ko, mas lalo lang akong naiyak sa ginawa niya.

"T-Thank you sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan sa lahat ng ginawa niyong pagtulong sa 'kin." They smiled genuinely.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon