SIMULA nang marinig ko 'yon, lagi na akong inaatake ng kaba. Mas lalo akong natatakot para kay Lucard. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol doon. Hindi ko naman masisisi ang anak ko kung narinig niya iyon habang hinahanap si Lucard—pero alam ko rin sa sarili ko na walang imposible pagdating sa demonyong 'yon. He has a lot of connections, at hindi siya magdadalawang-isip gamitin ang mga ito para lang malaman ang gusto niyang malaman.
Pinalitan ko na rin ang pangalan ni Lucard sa phone ko—Jacob ang inilagay ko para hindi ako mahuli.
Nakatulog na si Milo, at nakailang tawag na ako kay Lucard. Nasa loob ako ng banyo dahil ayokong mahuli ni Lucian. Ang sabi sa akin ni Lucard noong nakaraang araw, nagkaroon daw siya ng meeting—kasama ang demonyo niyang pinsan.
Grabe ang kaba ko nang sinabi niya 'yon. What if pagdudahan siya? Ipinapalabas niya kasi na kakauwi lang niya kahapon, at ang ikinakatakot ko ay baka puntahan siya ni Lucian!
I gripped my phone tightly as I dialed Lucard's number. Please, sagutin mo Lucard! Kanina pa ako tawag nang tawag sa kaniya.
"I'm sorry, ngayon ko lang—" Para akong nakaramdam ng kaginhawaan nang marinig ko ang boses niya. Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.
"Please, mag-ingat ka naman diyan! Hindi mo alam ang pag-aalala ko!"
Narinig ko ang baritonong tawa niya sa kabilang linya. Parang gusto ko siyang sapakin. Does he think our situation could be lightened with some jokes?
"Ang sarap sa feeling, Milk, na nag-aalala ka sa akin. You know that? Anyway, lagi naman akong nag-iingat. Don't worry, kaunting tiis pa and I'll do my second plan para mailayo kayo diyan. So relax, okay?"
"Paano ako magre-relax, sige nga?"
Natahimik siya sa kabilang linya, lalo na't naramdaman niyang seryoso ako.
"Tsk. Sorry na. Wala ka bang tiwala sa akin?" seryoso niyang tanong.
"S-Siyempre meron, pero natatakot lang ako para sa'yo. Narinig ko na papatayin ka niya kapag nalaman niyang ikaw ang tumulong sa akin para makatakas."
"I'm ready for that—kung ang kapalit ay huwag lang kayong saktan."
Tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Hindi niya alam ang sinasabi niya.
Does he think that if he dies, we'll be okay? That I'm only thinking about our safety?
"I miss you, Milk. Miss ko na kayo ni Milo." Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang paghikbi.
"M-Miss ka na rin niya. I miss you too..." Napatakip ako sa bibig ko para hindi niya marinig ang iyak ko. Hindi ako suminghot para 'di niya mahalata.
"I really miss you both. Matulog ka na diyan. Goodnight."
"Sige. Goodnight din. Take care."
"Thank you, Milk." Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya bago naputol ang tawag.
Napapikit ako ng mariin at nagpakawala ng hangin. Lumabas ako ng banyo ng matapos ang usapan namin—ngunit napaigtad ako nang may nadatnan akong taong nakatayo sa gilid ng pinto. Nakatitig siya sa akin ng sobrang lalim, halos malunod na ako sa titig niya. Hindi ako makahinga sa sobrang kaba.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Really? You're asking me that? And what are you doing inside the bathroom for such a long time?" malamig niyang tanong. His breath almost fanned my skin, giving me goosebumps. He is still wearing his office suit pero bahagyang nakabukas ang butones ng polo niya.
Pinili ko na lang siyang huwag sagutin at nilampasan ko siya. Kahit nanginginig ang tuhod ko, hindi ko ipinahalata. Nagulat ako nang bigla niyang agawin ang cellphone ko. Bwisit! Kahit kailan talaga, itong demonyong ito—mahilig mang-agaw ng cellphone!
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomanceWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
